Xavier Haxon
Ilang araw na rin ang nakalipas, Xavier had a good time whenever Themis is with him. Napahawak siya sa kanyang tenga, at hinaplos ang kanyang pisngi pakiramdam niya kasi ay nag-init ito sa naisip.
"Baby can you give me a hand?" Tumingin siya sa kanyang nobyo na nakaharap sa whole body mirror. Inaayos nito ang necktie nang may tumawag sa cellphone.
Tumango siya at lumapit dito. Themis is busy talking on the phone, siya naman ay inayos na ang necktie ng kasintahan.
Napangiti siya, isa rin ito sa mga gusto niyang maranasan noon, nang maiayos niya ang necktie nito ay tumingala siya dahil mas matangkad nga sa ito sa kanya. Nang tumingin siya rito ay nakatingin na rin ito sa kanya.
Napako ang tingin niya rito, he is smiling tapos ay naramdaman niya ang bewang niya na hinapit ng isang kamay ni Themis.
Ang kamay na nasa necktie ni Themis ay napapulupot sa leeg nito, yumuko ito at saglit siyang hinalikan.
"Thank you" Sabi nito sa kanya at sana'y lalayo pero may naisip siya.
He grinned when he saw how Themis eyes widened, kumunot din ang noo nito ng hindi niya hayaan itong makalayo sa kanya tapos ay hinila niya pa ang batok nito para mapayuko tapos ay tumingkayad siya at doon nagsalubong ang kanilang mga labi.
He kissed him hard na hindi niya alam na kaya niya pa lang gawin, hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para gawin iyon.
When he's about to pulled back bigla na lang siyang hinapit sa bewang ng kasintahan tapos ay isinandal sa salamin.
Pinatay nito ang tawag at inihagis ang cellphone sa kama, kaya ang kamay nitong kaninang may hawak na cellphone ay nasa kanyang pisngi. Themis held his jaw firmed and kiss him harder this time.
He yelped because his tongue got caught with Themis, sinipsip nito iyon dahilan para habulin ang sariling paghinga ng bumitaw ito sa kanya.
Themis forehead touches his, muli nitong hinaplos ang pisngi niya, ramdam niya rin na hinahaplos nito ang bewang niya.
"Baby next time tell me okay? Nabigla ako I almost throw my phone" Sabi nito sa kanya.
Ngumuso siya "sorry po"
Tumawa ito sa kanya at hinalikan ang noo niya.
"Don't say sorry baby, you did good"
Pagpasok ni Xavier sa loob ng apartment ay nakita niya agad si Night, matalim ang tingin nito sa kanya. Bigla siyang kinabahan.
"H-Hi papasok ka na b-ba sa trabaho?" Kinakabahan niyang tanong sa kaibigan, binigyan niya ito ng isang ngiti na hindi naman pinansin ni Night.
Hindi rin ito sumagot sa tanong niya, napakagat siya sa ibabang labi at lumapit sa kaibigan.
"May problema ba Night?" Tanong niya sa malambing na tono pero wala pa rin iyon epekto sa kaibigan niya.
"Bakit ganyan mo ako tingnan tapos ang tahimik mo? N-Night alam mong a-ayaw kong ganyan ka" Napanguso siya. Sa lahat ata ng pwedeng magalit sa kanya ay si Night lang ang ayaw niya ganun, he's been a big brother to him, a very special family to him kaya hindi niya kayang magalit ito sa kanya.
Humawak siya sa laylayan ng damit nito ng hindi pa rin ito kumikibo "Night, please galit ka ba?"
Nakita niya ang pag-iwas ng tingin nito at pagbuntong hininga.
"Hindi, hindi ako galit Xav"
"Eh bakit ayaw mo ako kausapin?"
Humawak ito sa kwelyo ng suot niya pagkatapos ay sa leeg niya, napangiwi siya ng mapasadahan ng mga daliri nito ang parteng iyon, agad siyang umatras at naitakip ang isang kamay doon.
"Kailan mo balak sabihin sakin? Nakakatampo Xavier. Alam 'to ni Carter tapos ako hindi?" Sabi nito sa kanya. Nataranta siyang umiling, alam na niya ang ibig nitong sabihin.
"Sinabi sa'yo ni Carter?"
"No, I can know it by myself. So may plano ka ba na sabihin sakin 'yan?"
Tumango siya "Hindi lang ako makahanap ng tyempo pero sasabihin ko naman sa'yo. Hindi ko naman kaya maglihim"
"I'm not forbidding you to date Xavier you know that right?" Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang balikat niya. Tumango siya sa sinabi nito.
"Pero alam mo rin na gusto kong lagi kang ligtas at kasama na run ang alamin kung ligtas ka ba sa taong kasama mo, hindi ba?"
"Hmm, alam ko Night sorry hindi ko agad nasabi"
Tumango ito at niyakap siya, nagpapasalamat talaga siya na kahit maaga siyang naulila sa pamilya ay meron siyang Night na kasama.
"Okay, so you're dating a Del Fuego? Wala ka bang ibang option? Yung bunso pa?"
"Ha? A-Anong—paano mo nalaman?" Taka niyang tanong dito.
"I told you I can know and I have a way to know Xavier. So wala ka bang balak magdate ng iba?"
"Ano ba iyan sinasabi mo Night, isa lang naman ang dapat dinedate! At siya lang gusto kong idate" Namumula niyang sagot sa kaibigan.
"Pareho kayo ni Carter, bakit ba ganyan kayo sa mga Del Fuego? Parang kilala niyo sila ng husto" Dugtong niya pa rito.
At sa sinabi niyang iyon ay napaubo ang kaibigan niya.
"He's not just a simple businessman Xavier, so make sure you can embrace all the things about him when you found out. Anyways I can't stop you naman I'm just making sure na you're safe. Let him meet me when he's free" Ngiti nito sa kanya bago ginulo ang buhok niya.
"Okay, I'll tell him. Sasabihan ko rin si Carter. Ang init kasi ng dugo nun kay Themis" Sabi niya at tinawanan naman yun ni Night.
"I can't blame him though, he's being captured by a Del Fuego too"
Nangunot ang noo niya dahil masyadong mahina ang boses ni Night ng sabihin ang mga huling kataga kaya hindi niya iyon narinig.
"Ano?" Tanong niya rito dahil curious siya sa sinabi nito.
"Wala, sige na papasok na ako. Lock the door ha? Take care"
Sabi nito at muling ginulo ang buhok niya. Ang hilig talagang guluhin ni Night ang buhok niya. Tapos nun ay lumabas na ito ng kanilang apartment.
Siya naman ay dumiretso sa kanyang kwarto at naglinis ng katawan. Matapos nun ay inayos niya ang kanyang bag at inilabas doon ang isang tangkay ng pulang rosas. Ibinigay ito ni Themis sa kanya kanina ng mapadaan sila sa flower shop pauwi.
Ayaw niya kasi talaga ng bumili pa ito ng ganun para sa kanya, pero ayaw siyang tigilan ng boss niya kaya ang sabi niya ay isang rosas na lang at sapat na sa kanya iyon.
Inilagay niya iyon sa base na nasa side table niya, the last time he received a flower ay nung graduation niya pa ng college kaya sobra ang kilig niya sa isipan bigay ito ng kanyang nobyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/250748276-288-k452589.jpg)