‼️FORTY THREE‼️

397 16 3
                                    

Xavier is looking again in the mirror, ngayon may mga nadagdag na sa kasuotan niya katulad ng puting tela na nagtatakip sa kalahati ng mukha niya, mula sa ilong hanggang sa kanyang baba ay hindi nakikita tanging ang mga mata niya lang na nilagyan ng kaonting make-up na bagay sa kulay ng balat niya. May suot rin siya sa ulo hindi niya alam kung ano iyon, kulay ginto ito at tila may mga violet na bulaklak ang nakatusok doon.

Matapos siyang ayusan ay nilabas na siya ng kwarto, roon sumalubong sa kanya ang isang helera ng mga kalalakihan at kababaihan na katulad niya ay nakasuot ng mga kimono, ang kaibahan lang ay simple lang ang mga ito at walang kung ano-anong nakalagay katulad ng sa kanya.

"This way hime-sama"

Sumunod siya sa babae, ngayon nasa harapan siya at nasa likod niya ang mga nakahilera naglakad na sila palabas ng bahay. Sa labas ay may naghihintay sa kanya na isang lalaking may hawak na malaking pulang payong. Lumapit ito sa kanya at pinayungan siya.

Hindi niya alam na nasa shrine pala sila, pero parang mas moderno.

Malakas ang kabog ng dibdib niya habang naglalakad sila, papunta sa isang nakakonekto rin sa lugar.

Halos lumundag ang puso niya ng masulyapan ang likuran ni Themis, hindi niya alam pero napatigil siya sa paglalakad ng humarap ito sa kanya. He's wearing a black kimono too, at ang gwapo nito sa suot.

Napalunok siya at tila ba bumigat ng pakiramdam niya, parang gusto niyang umiyak. He never imagine he's going to be married this way.

Kung malalaman to ng mga kaibigan niyang ikinasal siya ng wala ang mga ito ay alam niyang sermon ang aabutin niya, pero sobrang saya ng puso niya ngayon. Para bang gusto niya na lang takbuhin ang distansyang natitira sa kanila ng nobyo para yakapin ito.

Ngumiti siya sa likod ng puting telang nakatabin sa kalahati ng mukha niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Agad na inilahad ni Themis ang kamay nito sa kanya ng makalapit. Kinuha niya iyon and then he intertwined them, ngumiti ito sa kanya at hinalikan ang kamay niya.

"You're so beautiful Xavier" Sabi nito sa kanya. Natawa siya at tumango. Hindi niya maibuka ang bibig dahil parang sa tingin niya ay kapag nagsalita siya ay maiiyak siya after.

Magkahawak ang kamay, nagsimula ang serimonya ng kasal.

...

Tahimik na pinagmasdan ni Xavier si Themis na isinarado ang bintana. Katatapos lang ng maiksing wedding ceremony nila ni Themis. There's only his mom at mga tauhan nito ang naroon ng magpalitan sila ng singsing.

"Where are they going?"

"Sa kabila" Sagot nito sa kanya na ikinatigil niya.

"Malawak pala ang lugar na 'to?" tanong niya tapos ay lumingon sa kanya si Themis.

"You haven't go out?"

Umiling siya, hindi pa niya nakikita ang labas.

"I'll tour you later"

Narinig niya ang paglapit ni Themis at yumakap ito sa likod niya.

Napakagat siya sa ibabang labi niya. Anticipating Themis next move.

Ang mga kamay niya ang ipinatong niya sa braso ni Themis na nakapulupot sa bewang niya. He closed his eyes when Themis started to sway their body.

"We're married" Sabi ni Themis sa kanya.
Itinaas niya ang kamay na may singsing at pinagmasdan tapos ay lumingon siya sa likuran.

"Yes we are married Themis" Sabi niya rito.

Tuluyang siya nitong iniharap at hinaplos ang mga pisngi niya.

TS#1: THE SEDUCER [BXB] COMPLETE ✓Where stories live. Discover now