Xavier Haxon
Alas onse na ng gabi at gising pa siya, paniguradong puyat siyang papasok bukas.
Hindi naman siya pwedeng basta na lang matulog ngayon nasa ganito silang sitwasyon.
"Night kumalma ka" Sabi niya sa kaibigan at nilapitan ito tapos ay inalok na umupo.
"How can I? Itong gagong 'to lagi na lang ipinapahamak ang sarili niya" Galit na sagot nito sabay turo kay Carter na nakaupo.
"Sorry okay? Hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari" Pagdadahilan ni Carter.
Napapikit siya, kahit naman siya ay nagalit nang marinig mula kay Night kung anong nangyari kay Carter.
Sinabi kasi nito na nasa club si Carter kung saan nagtatrabaho si Night at nagkagulo.
"That's not what I'm trying to say Carter, ang sinasabi ko bakit bumalik ka na naman sa ganyang gawain?"
Nang marinig ang sinabi ni Night ay taas kilay niyang tiningnan si Carter.
"Huwag mo sabihin bumalik ka sa pagiging miyembro ng sindikato na 'yon? Carter you made a promised to us!" Sabi niya rito.
"I know kaya sorry, wala akong magawa kailangan ko ng pera" Yumuko ito at tumayo.
"Maliit lang ang sugat ko pero yung kita na makukuha ko doon, malaking bagay iyon sa akin"
"You can tell us! Paano kapag nakulong ka sa ginagawa mo? Lagi namin sinasabi sa iyo hindi ba? Kaibigan mo kami Carter pwedeng-pwede mo kaming lapitan" Sabi niya rito tapos ay tiningnan ang sugat nito sa tagiliran, nasaksak kasi ito at ayaw magpadala sa ospital kaya siya ang gumamot.
Lumapit siya rito at ichineck ang sugat nito.
"Ayaw kong nakikita kang ganito Carter, ayaw namin napapahamak ka, alam mo iyan" Sabi niya at hinaplos ang kamay nito.
"Kahit anong sabihin namin inilalabas mo lang sa kabilang tenga mo, napakulit mo, paano na lang kung hindi lang iyan ang nakuha mo!" Pasigaw na sabi ni Night.
Sa malamang ay mapapagalitan na naman sila dahil sa ingay nila ngayon.
"Hindi niyo kasi ako naiintindihan, wala kayo sa sitwasyon ko!" Sumigaw din si Carter tapos ay nagmartsa papunta sa pintuan.
"Carter saan ka pupunta?" Pagtawag niya dito pero hindi siya nito sinagot.
"Carter bumalik ka dito!" Si Night naman ang kumuha ng atensyon ni Carter pero katulad ng sa kanya ay hindi ito sumagot at nagpatuloy lang hanggang sa makalabas ito ng apartment.
Tiningnan niya si Night na minamasahe ang sintido "Ang kulit niya talaga kahit kailan"
Nang makapasok siya sa loob ng opisina ng boss niya ay wala pa ito kaya naman dumiretso na lang siya sa desk niya at inayos ang mga papel na naiwan kagabi.
Chineck niya ang schedule ng boss niya at may meeting pala ito after lunch.
Narinig na ang tunog ng pinto at agad na tumayo, nang makita ang boss niya ay yumuko siya at bumati.
"Goodmorning Sir" Bati niya dito tapos ay tumingala na.
"Goodmorning Xavier"
Napanganga siya ng makitang may kasama pala ito.
Bumilog ang mga mata niya sa itsura ng kasama ng boss niya.
Ang gwapo
Isang nakablack suit, matangkad at may magandang katawan na lalaki ang kasama nito, nang lumingon ito sa kanya ay napalunok siya.