SIX

1.4K 69 8
                                    

  Xavier Haxon

Mabilis na tinipa ni Xavier ang cellphone niya, nasa comfort room siya ng restaurant kung nasaan sila ni Themis. Matapos niyang marinig ang sinabi ng boss niya ay agad siyang nagpa-alam na magbanyo.

"Ugh! Xav ang aga pa!" It was Night.

Halata sa boses nitong nadistorbo niya ang pahinga nito. Napa-sorry siya sa sarili.

"Night!" Ang tila nagsusumbong niyang tawag sa nasa kabilanh linya.

"What is it? May kailangan ka ba?" Tanong nito.

"Oo"

"Ano? Ano kailangan mo?" Inip nitong tanong sa kanya.

Napasandal siya sa likod ng pinto ng banyo, sinapo niya ang sariling noo bago bumuntong hininga.

"Hinga! Kailangan kong huminga Night! Wahh! Hindi ko na alam ang gagawin ko" Nagmamaktol niyang sumbong sa kaibigan.

"What?  pati paghinga sakin mo pa ipapa-problema"

"Hindi kasi! Night parang hindi ko na kasi kaya" Sabi niya at napapikit.

"Medyo naiirita na ako sa'yo, diretsuhin mo na kasi ako!"

"Night yung boss ko! Si Themis!" Panimula niya.

"Oh ano nga?"

"He said.... Ang ganda daw ng mga labi ko... Gusto niya daw akong halikan"

Ilang segundo tumahimik sa pagitan nila ng nasa kabilang linya. Kinagat niya ang ibabang labi at muling nagsalita.

Sa kaibigan niya kasing ito niya naikukwento ang mga bagay tungkol sa boss niya na nagpapakilig sa kanya, siya rin ang pinaglalabasan niya ng kilig at saya sa malaking pagkacrush niya sa boss niya.

"At gusto ko din siyang halikan Night.

Pirming naka-upo sa shotgun seat ng kotse si Xavier habang hinihintay ang boss niya na pumasok sa loob ng kotse.

At dahil wala na ang butler nitong si Dimittri dahil pinauna ng boss niya, ay silang dalawa na lang ang magkasamang babalik ng opisina. Sana lang ay hindi siya pag-chismisan ng mga katrabaho niya.

Nang matapos ang pakikipag-usap ng boss niya sa phone ay pumasok na ito sa driver seat.

"Mukhang malabong mailabas ni Dimittri si kuya sa kulungan, he doesn't have any choice then, makukulong tuloy siya ng tatlong araw" Tuloy-tuloy nitong saad habang inaayos ang seatbelt.

Hindi alam ni Xavier kung paano mag-re-response sa boss niya, nagsabi kasi ito ng bagay na hindi naman na kailangan. Katulad ng nangyari sa kuya nito na ikunuwento pa sa kanya. Sekretarya lang siya diba?

Tumingin siya sa gawi ni Themis at nahugot ang sariling hininga ng bumungad ang malapit nitong mukha sa kanya.

Halos gahibla na lang ng buhok ang distansya ng mga mukha nila, their pointed nose almost touching.

Ang mga mata nito ay direktang naka-titig lang din sa mga mata niya. Kumabog ng malakas ang dibdib niya. Gusto niyang sumigaw.

Those beautiful orbs that he always wanted to give a stare. Gusto niyang laging titigan ang magaganda nitong mata. Katulad ng titig noong gabing iyon. Those looks and stare didn't lied about the feeling they felt that night.

Hindi siya bumitaw sa titig, ganun din si Themis pero ilang sandali pa ng mapaatras siya ng kusa ng lumapit pa ito lalo sa kanya. Konti na lang at mag-lalapat na ang mga labi nila.

Sa kaonti at mali niyang galaw ay baka mahalikan niya ang boss niya.

Napalunok siya ng maramdaman ang kamay nitong dumaan sa mga hita.

TS#1: THE SEDUCER [BXB] COMPLETE ✓Where stories live. Discover now