THIRTY SIX

371 16 0
                                    

Xavier Haxon

Nang umuwi siya galing trabaho ay naabutan niyang nakatayo sa tabi ng pintuan si Night, nakapabulsa ito at hindi maganda ang timpla ng mukha.

"Hi Night, hindi ka ba papasok ngayon?" Masigla niyang bati rito.

He heard him scoff and look away from him.

"No" Malamig nitong tugon sa kanya.

Lumapit ito sa kanya tapos ay tiningnan habang nakataas ang isang kilay, nagtataka man kung bakit ganito ang inaasta ng kaibigan niya ay naghintay lang siya sa mga susunod nitong gagawin at sasabihin.

Night walk again, binuksan ang pinto at tumingin sa labas matapos nun ay sinarado ulit at muling tumingin sa kanya.

"Umalis na ba ang nobyo mo?" Tanong nito sa kanya.

Mas lalo lang siyang nagtaka "Ah, yeah bakit? May problema ba Night?"

Concerned niyang tanong rito, nakita niya kung paano ito bumuntong hininga at dumiretso sa kanilang lamesa sumunod siya at umupo katabi nito.

"Hinatid ka na naman ba niya gamit yung motor niyang tusok-tusok?" Tanong nito at natawa siya doon.

Ito kasi ang tawag nito sa motor ni Themis.

"Oo at hindi tusok-tusok yun Night"

"Whatever it is, tell him to stop coming here with that bike at nilalapitan na ako ng kung sino-sino rito kapag wala ka he's getting unwanted attention Xavier" Masungit nitong tugon sa kanya.

"Pasensya na, sige sasabihin ko sa kanya" Sagot niya at tumayo na para pumunta na sa kwarto niya at makapag pahinga.

"Xavier why don't you stay with him? Sa place niya?" Napatigil siya sa sinabi nito at agad na nilingon.

"What do you mean Night?"

"I mean you two are together now, why don't you start living with him?" Kibit-balikat nitong sabi.

"Pinapaalis mo na ba ako?" Malungkot niyang tanong rito. Agad itong tumayo at lumapit sa kanya.

"What? Wala akong sinasabing ganun Xavier"

"Ayokong umalis rito Night" Sabi niya dahil alam niya ang ibig nitong sabihin, alam niya kung ano ang iniisip nito. May parte sa kanyang gusto niya kasama sa iisang bubong ang nobyo, ang matulog kasama ito at gumising na ang nobyo niya ay ang una niyang makikita sa umaga pero parang hindi niya pa kayang iwan ang parteng nakasanayan niya, ang kasama si Night, o kaya ay si Carter. Ang mumunti nilang apartment.

"Hindi ka naman aalis dito Xavier, this place is ours at welcome ka kahit anong oras you know that right?"

"Ayokong iwan ka rito" Muli niyang saad na tila ba naiiyak na.

Agad niyang naramdaman ang mga bisig nito sa kanya.

"Come on you're smarter than any person I knew Xavier"

.

Bitbit ang isang di kalakihan bag ay lumabas siya ng kwarto niya, sumalubong sa kanya si Night at si Themis.

"Give it to me baby, baka mabigat" Kuwa'y sabi ng kanyang nobyo at inabot ang bag.

"Eww" Natawa silang dalawa ni Themis sa sinabi ni Night.

Tuluyan siyang lumabas ng kwarto at niyakap agad si Night.

"Bibisita ako" Sabi niya.

"Aba dapat lang no, kapag bumalik si Carter at nalaman niyang binabahay ka nito, yari ka" Sagot nito sa kanya.

TS#1: THE SEDUCER [BXB] COMPLETE ✓Where stories live. Discover now