Xavier Haxon
Napabuntong hininga siya bago iligpit ang higaan niya, matapos niyang ayusin ang sarili ay lumabas na siya at pumunta sa pasilyo kung saan rinig na rinig niya niya ang mga boses ng mga bata.
"Oh! Good morning Xavier. Maganda ba ang tulog mo?" Bati sa kanya ng isa sa mga madre na malapit sa kanya.
"Yes po sister Sarah, masarap po ang tulog ko" Sagot niya rito at nagmano.
Nasa bahay ampunan siya rito sa Cavite, itong ampunan na tinutuluyan niya ay ang kinalakhan nila ni Night, dito sila lumaki at natuto ng mga bagay-bagay bago nila mapagdesisyunan maging independent na ng sila ay makatungtong ng college.
Isa si sister Sarah sa mga nag-alaga sa kanila ni Night at gumabay sa kanya, masaya siyang nakabalik siya rito sa bahay pag-asa.
"Sige, mabuti naman kung ganoon. Sumabay ka na sa amin mag-almusal at paniguradong kukulitin na naman ng mga bata"
Sabay silang natawa, ilang araw na rin siya rito at mula ng dumating siya ay lagi siyang inaaya ng mga batang makipaglaro hindi naman siya makatanggi dahil dati nuon bata siya ay gusto niya rin na may mga bisita sa ampunan at makikipaglaro siya sa mga iyon.
"Papa!"
Napalingon siya sa likuran niya ng tawagin siya ng isang pamilyar na boses.
"Theron!" Masaya niyang sinalubong ang masayang si Theron na tumatakbo palapit sa kanya. Si Theron ang isa sa mga batang pinaka-close niya sa bahay pag-asa.
Malambing ito at sobrang bait. Ang kesyo lang eh lagi siya nitong tinatawag na papa.
"Papa tapos ka na ba riyan? O gusto mo tulungan kitang magsampay?"
Nasa teres kasi siya at nagsasampay ng ilang mga tapos nang ilaundry, gusto niya kahit papaano ay nakakatulong siya habang pansamantala siyang tumutuloy rito.
Ngumiti siya kay Theron at ginulo ang buhok nito. 15 years old na si Theron, bata pa siya ng mapunta sa ampunan dahil sa nakulong ang ama nito at wala nang ibang pamilya ang kumupkop sa kanya.
"Hindi na, kaya ko na to! Maglaro ka na lang doon"
"Eh, sabi ni sister Sarah hanapin kita at tulungan dahil may pogi raw pong naghahanap sayo"
Napakunot ang noo niya. May naghahanap sa kanya?
At sino naman iyon?
Ilang segundo lang din ng bumukas ang pinto at inuluwa nun ang taong dahilan kung bakit siya nandito sa bahay pag-asa.
"S-Sir"
Themis Yvan Del Fuego
"Kuya pogi!" Ang batang kaninang gumabay sa kanya at nagturo kung nasaan ang matagal na niyang gustong makita ay tumatakbo palapit sa kanya.
Nang nasa tapat na niya ito ay umupo siya para pumantay tapos ay ginulo ang buhok nito.
"Siya ba ang papa mo?" Pasimple niyang nguso sa direksyon ni Xavier.
"Hindi po ah, gusto ko lang po siyang maging papa, ayaw niya kasing tawagin ko siyang mama e! Kahit naman maganda siya ayaw niya!"
Natawa siya sa itsura ng bata dahil sa haba ng sinabi nito ay nakanguso ito.
Tumayo siya at muling tumingin sa direksyon kung nasaan si Xavier nakatayo, kung titingnan tila ito naestatwa at hindi makagalaw.
Kitang-kita rin sa mga nito ang halo-halong emosyon. Napangiti siya, he miss him so much.
"Theron, pumunta ka kay sister Sarah kasama sila sister Loren at may mga regalo akong dala"
Nakita niya sa excitement sa mukha ng bata at dali-daling tumakbo paalis.