NINE

1K 52 0
                                    

TW❗ Some mentioned scenes might triggered reader ( read carefully )

Xavier Haxon

habang tinatahak nila ang daan pabalik sa opisina ay pasulyap-sulyap siya sa boss niya. Bigla kasi itong tumahimik paglabas nila ng condo, hindi niya alam kung bakit.

iniisip niya kung may nagawa ba siya.

"Sir ayos lang po ba kayo?"

Nakita niya ang pagka-gulat nito ng magsalita siya, lumingon ito sa kanya at tila kabadong ngumiti sa kanya.

"Y-Yeah im okay hahaha it just you scared me"

Nagulat siya.

"Ako sir? bakit po sir, may nagawa po ba ako?"

"Yeah because you are mad"

"Ha? sir hindi po ako galit, bakit naman po ako magagalit sa boss ko?"

"Earlier when I told you I'm not attending the meeting, you just scared me"

Gusto niya matawa, akala ng boss niya ay galit siya dahil sa sinabi niyang kailangan niyang umattend ng meeting.

Mahina siyang tumawa at nakita niyang binalingan ulit siya ng tingin ng boss niya.

"god this is so embarrassing, I was scared for nothing"

"Hindi naman sir ang cute mo nga matakot" Natatawa niyang sabi at huli na ng marealize niya kung ano ang nasabi niya.

Matapos ng katagang nasabi niya ay naging tahimik na sa pagitan nila. hanggang sa makarating sila ng opisina  ay tahimik na sila.

Nang makarating sila sa opisina ay pinagtitinginan sila, well sa kanya talaga nakadako ang mga mata ng mga ito. at alam niya ang rason sa pagtitig ng mga ito sa kanya. Ito ang ayaw niya ang mapachismisan siya dahil sigurado na ang labis na maapektuhan ng mga iyon ay ang boss niya. Ayaw niyang madungisan ang maganda nitong pangalan.

Nang makapasok sila ng opisina ay pabagsak na umupo ang boss niya sa upuan nito, siya naman ay sa table niya at inihanda ang mga gagamitin niya sa meeting nila maya-maya lang.

Inaayos niya rin ang sarili at habang inaayos ang polo niyang may kaonting gusot ay nakita niya sa kanyang peripheral vision na nakatingin ang boss  niya sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at tama nga na nakatingin sa kanya ang boss niya.

Ang lalim ng pagtingin nito sa kanya. Nanlamig ang batok niya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.

Tumikhim siya at agad na inalis ng boss niya ang tingin sa kanya.

"Sir, we have 10 minutes before the meeting start, should we go?"

Nakita niya ang pagbuntong hininga nito at tumayo.

"Okay"

Bored nitong sagot, siguro'y ayaw talaga nitong umattend, pero siya ang pinaka-kailangan doon.

Lumabas silang muli ng opisina at pumunta ng meeting room, pagdating  roon ay may mga iilan na ang naroon na kasama sa meeting.

TW❗ Some mentioned scenes might triggered reader ( read carefully )

His boss greeted them and he also did te same.

umupo ang boss niya sa nararapat nitong upuan at siya naman ay tumayo sa gilid nito.

Minutes later, kumpleto na ang nasa meeting room at nagsimula na ang usapan tungkol sa isang kompanya na hinihingi ang pangalan nila bilang share para sa isang produktong ilalabas. Ang may-ari ng ka-meeting nilang kompanya ang may-ari ng produkto at gusto nitong maikabit ang pangalan ng DFC para pumatok sa publiko.

TS#1: THE SEDUCER [BXB] COMPLETE ✓Where stories live. Discover now