Xavier Haxon
Nag-inat ng buto si Xavier at mabilis na iniligpit ang kanyang higaan, today is Friday at ngayon din ang araw kung saan ipapakilala niya ang kanyang nobyo sa kanyang kaibigan. Nang matapos niyang ayusin ang kanyang kama ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa bedside table, napanguso siya ng wala man lang siyang nareceived na reply mula kay Carter.
Gusto niyang kasama rin ito mamaya, gusto niya rin itong makita dahil ilang linggo na itong walang paramdam.
Lumabas siya ng kanyang kwarto at nakasalubong si Night, kararating lang ito galing sa trabaho.
"Night!" Tawag niya at nakangiti niya itong nilapitan.
"Welcome home" Bati niya rito na kinatawa naman ng nakakatanda.
"Someone is excited I see" Sabi nito sa kanya at ginulo ang buhok niya.
"Pero matutulog muna ako okay? Gigising ako before lunch. I'll let you know"
Tinanguan niya ito at dumiretso na ito sa sariling kwarto. Siya naman ay naisip na maghanda para mamaya. Hindi pa niya alam ang susuotin niya, may mga pagpipilian siya pero hindi siya sigurado kung ano roon ang pinakabagay sa kanya.
Malawak ang ngiti niya habang iniisip ang mga pwedeng mangyari mamaya. Wala na siyang magulang, ang mga kaibigan niya na lang ang kanyang pamilya. At si Night ang nagsisilbing ama't ina niya noon pa man, kaya kung titingnan para itong pamamanhikan.
Bigla siyang napatigil at napaisip na ano naman ang mangyayari kapag siya na ang pinakilala ng nobyo sa mga magulang nito. Bigla siyang nakaramdam ng takot pero agad niya iyon winaksi.
Pumunta siya ng kusina para magtimpla ng kape dahil hindi naman nanghihingi ang tyan niya ng mabigat na pagkain, kaya sisimsim na lang siya ng mainit at masarap na kape. Pagtapos nuon ay bumalik siya sa kanyang kwarto at inilabas muli ang mga pagpipilian niyang suotin.
"Okay na siguro ito" Sa ilang minuto niyang pagtitingin ng maigi ay naipili niya ang simpleng polo stripes at black pants, ang iba kasi ay mukhang mainit sa katawan kaya iyon na lang ang pinili niya kung saan magiging komportable ang katawan niya.
Ilang oras ang nakalipas at pareho na sila ni Night na nakabihis at nakaupo sa isang reserved seat sa sikat na resto sa makati.
Dito na lang nila napag-usapan magkita, hindi na sila nagpasundo pa.
"Ang bagal naman ng boyfriend mo" Pagrereklamo ng kaibigan niya na kanyang katabi.
"Kararating lang kaya natin" Sabi niya dahil wala pa naman limang minuto ang nakalipas ng marakating sila.
Kita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi ng kaibigan, tila ba excited ito at ang ngiting iyon ay may ipinapakita.
May biglang tumakbo sa kanyang isipan, kumirot ang puso niya sa naisip na iyon.
"Night, akin lang ang boyfriend ko" Sabi niya rito, biglang kumunot ang noo ng kaibigan niya sa kanya.
"Alam ko? Bakit—teka iniisip mo bang type ko yung Del Fuego na 'yon? Xavier ang sakit mo naman mag-isip" Sagot nito sa kanya at pabiro pang humawak sa dibdib nito na kunwari ay nasaktan ang puso.
Natawa naman agad siya.
Ano ba itong iniisip ko!
Hindi siya dapat nag-iisip ng mga ganun bagay, alam naman niyang hindi ganoon ang kaibigan at bakit ba niya iyon naisip? Siguro nga'y takot lang talaga siyang maiwan sa huli at masaktan.
Dalawang minuto pa ang lumipas ng may tumawag sa kanya at doon niya nakita ang kanyang nobyo palapit sa kanya.
Nang makalapit ito at hinalikan siya nito sa pisngi "Hi baby"