THIRTY TWO

421 22 1
                                    

Xavier Haxon

Nag-iwas ng tingin si Xavier sa kaharap niya, nasa parke siya kasama ang kanyang nobyo. Kabibisita lang nila sa bahay pag-asa, gusto nilang kamustahin ang mga bata at si Theron.

"Itigil mo nga" Pagsaway niya sa nobyo dahil nang muli siyang sumulyap ay malaki na naman ang ngiti nitong nakagawad sa labi.

"Why? Ayaw mo na ba ng orange? Akala ito ang gusto mo?" Tanong nito sa kanya.

Napabusangot siya ng makita na muli itong ngumiti matapos nito iyon sabihin sa kanya.

"Hindi kasi iyan, iyan oh!" Sabi niya at itinuro ang mga labi nito na nakangiti.

Natapos ito sa pagbalat ng orange, kumuha ito ng isa at inimuang sa bibig niya.

"Ahh baby"

Wala siyang nagawa kundi subuin iyon, pero hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkabusangot sa kanyang mukha.

Ilang araw na ito na tila ba siya inaasar simula nung sinabi nitong nagseselos siya.

"Tigilan mo na ako Themis, hindi nga kasi ako nagseselos" Sabi niya ng malunok ang kinain.

"I'm not doing anything?"

"You keep smiling kaya!" He said before he punched him slightly, doon mas tumawa na ang nobyo.

"It's because I'm happy, hindi kita inaasar baby I swear"

"Ewan ko sa'yo"

Nasa kotse na sila pauwi at kasalukuyan silang nakatigil dahil red light. At hindi niya mapigilan makaramdam nang pag-iinit ng pisngi dahil ramdam niya ang titig ng kasintahan sa kanya.

"Bakit ka nakatingin ng ganyan?" Pahapyaw niya itong sinulyapan, dahil hindi niya makayanan ang titig nito.

"Nothing, you're so pretty baby" Sabi nito at nang muli niyang sulyapan ang kasintahan ay nakangiti na sa kanya. Kumindat pa ito na mas lalo niyang ikinapula.

Kinikiliti nito ang puso niya, sa simple nitong salita ay halos magkarera na ang puso niya sa pagtibok.

"Thank you pogi" Sabi niya pareho silang natawa.

"I like that, call me that more" Sabi nito at nagdrive na muli dahil nag-green na ang ilaw.

"Sige pogi" Sabi niya at sinulyapan siya nito.

"Ahh baby I want kiss you now" Sabi nito sa kanya at ngumuso pa. Natawa tuloy siya, parang gusto niyang manadya at asarin pa ito.

"Mamaya na pogi"

Natawa siyang muli ng hapuin nito ang noo at masahiin ang tangos ng ilong. "It's really hard to hold myself when it's you alam mo ba 'yon?"









Themis Yvan Del Fuego

Nang maihatid niya si Xavier sa apartment nito ay hindi siya dumiretso sa kanyang condo. Dumiretso siya sa Ignite dahil may kailangan siyang gawin at kailangan niya ang tulong ng kaibigan si Deimos doon.

Nang makarating siya ay naabutan niya si Blis na natutulog sa sofa sa sala tapos nakasalubong naman niya si Brix na kalalabas lang ng kwatro, ayos na ata ang dalawa.

Pumunta siya sa isa sa mga kwarto kung saan naglalagi si Deimos, ang kaibigan niya ay ang nakaatas ang mga related sa computer sa grupo kaya naman puro computer ang lagi nitong kaharap kapag narito sila sa Ignite.

Hindi na siya kumatok pa, at dumiretso nang pumasok. Naroon nga ang kaibigan niya at busy sa pagtitipa.

"Something up?" Tanong niya rito.

Hindi siya nito nilingon "Cairo asked me to track everything that Zulyas did last party"

Napagtango siya, si Zulyas ay isang businessman na illegal na nagpapasok ng drugs sa bansa. At sinusubukan nitong banggain sila, knowing Cairo he wouldn't just let someone low to do that.

"Kailangan ba ako?" Tanong niya rito na inilingan naman nito.

"Hindi na, Cairo contacted police. Isang signal na lang huhulihin na ng mga pulis si Zulyas"

Hinintay niya itong matapos sa ginagawa. Pero mukhang hindi ito matatapos ng maaga.

"Dude may kailangan ka ba? Just say it though don't think I can lend you my hand if your asking a favor" Sabi nito sa kanya at saglit na sumulyap sa kanya.

Bumuntong hininga siya "hintayin na lang kita, I just want a little thing"

"Sige, ikaw ang bahala, matatapos na rin naman ako"

Pasado alas diyes na ata ng matapos ang kaibigan niya, inaantok na siya pero sayang naman kung uuwi lang din siya ngayon tapos na rin naman ang kaibigan.

Lumabas sila ng kwarto at dumiretso sa veranda na nasa likuran bahagi ng mansyon.

Maglalabas sana siya ng isang stick ng sigarilyo pero kinapa niya ang bulsa.

Ah shit! Ngayon pa!

Wala sa bulsa niya ang kahon ng sigarilyo, napailing na lang siya at napataas ang kilay niya dahil itinapat ni Deimos ang isang box ng sigarilyo sa kanya.

"Smoke?"

Hindi na siya sumagot at kumuha na lang ng isang stick.

"Ginugulat mo talaga ako dude, may baon ka nang box ngayon?" Natatawa niyang sabi sa kaibigan.

Inismiran lang siya nito at sumandal sa bakal na harang ng veranda.

"What do you need of me?" Tanong nito sa kanya. Sinindihan niya ang kanyang stick at gaya ng ginawa ng kaibigan ay sumandal din siya.

"I saw Zero" Sabi niya rito at expected naman na niyang hindi na ito magulat.

"He's my boyfriend's bestfriend" Dagdag at katulad sa una niyang sinabi ay hindi na talaga ito nagulat.

He really knew

May pagtataka tuloy sa kanya kung sino na sa kanilang dalawa ang unang nakaalam ng koneksyon ni Zero at ni Xavier pero sa malamang ang kaibigan niya iyon.

"I guess small world Them" Sabi nito sa kanya, tiningnan niya ito at natawa siya.

"Siya ba ang gusto mong dalhin sa penthouse ko?" Tanong niya rito.

"Hindi ko sasagutin 'yan, it's not about me so stop there. Sabihin mo na lang ano ang gusto mo"

"Ang init naman ng ulo mo, nahihirapan ka bang suyuin siya?" Mas natawa siya ng samaan na siya ng tingin nito.

Itinaas niya ang dalawang kamay na tila ba sumusuko "Fine, fine I'll stop"

Saglit siyang tumahimik bago tumikhim "I want to tell Xavier everything, at hindi ko ata kayang gawin 'yon without Zero. I need him when I tell Xavier who really I am" Sabi niya rito.

"Ang sabihin mo natatakot ka lang" Sabi nito sa kanya, mahina siyang tumawa dahil totoo ang sinabi nito sa kanya. Totoong nakakatakot siya.

"Yeah, I do. I'm scared Deimos, I don't think I can handle it kapag umalis ulit siya. When he gone before I almost lose myself, I got mad I got crazy at kung mangyayari ulit 'yon I don't think I can even live a day" Mahaba niyang litanya sa kaibigan.

Tinanguan naman siya nito "Okay, I understand but I don't think I can really help you with him. Ako nga eh ayaw kausapin, pero I'll do it. Hays kapag dating sa jowa mo ako lagi ang pinoproblema mo, hindi na umusad ang lovelife ko"

Natawa siya sa pagrereklamo nito, tinapik niya ang balikat nito at binigyan niya ng isang ngiti.

"Hayaan mo, ipapangalan ko na sa'yo ang penthouse ko. Ihoneymoon mo na kasi diretso" Pagbibiro niya na dahilan kung bakit siya nakatanggap ng suntok sa balikat.

"Gago"

A/N: sana gets niyo kung sino si Zero hehe

TS#1: THE SEDUCER [BXB] COMPLETE ✓Where stories live. Discover now