Xavier Haxon
Umuwi siya ng maaga sa kanila, kahit ang gusto niya ay ang magstay pa kasama ang boss niya hanggang sa madischarge ito. Pero labis ang pagtutol doon ni Themis at pinahatid pa siya sa butler nito.
Nakabusangot siya habang nanonood ng tv. Ala siete na ng gabi at katatapos lang niya maghapunan. Nawawalan nga siya ng gana eh, dahil nabitin siya sa oras nila ni Themis.
Pinatay niya ang tv at napahiga siya sa mahabang sofa.
"Miss na agad kita" Kausap niya sa sarili.
Namimiss niya na agad si Themis, ganito pala ang pakiramdam ng may boyfriend, tila minu-minuto mong namimiss
Boyfriend
Napangiti siya ng maalala ang nangyari kanina, tinanong niya kasi ito patungkol doon.
Binigyan siya nito ng isang matamis at malalim na halik, tapos ay hinalikan din ang noo niya. Sabay silang napangiti habang nakatingin sa isa't-isa.
Natigil siya ng maalala ang isang bagay
"Baby, what's wrong?" Tanong nito sa kanya.
"Sir– I mean Themis"
"Yes baby?"
"What are we? Ano tayo Themis?" Seryoso niyang tanong dito. Nakita niya itong natigilan sandali, kalaunan ay ngumiti rin.
"Boyfriends, you're mine and I'm yours Xavier" Sagot nito na ikinakilig niya.
Ang bilis na ng tibok ng puso niya, kapag sinasabi nitong kanya lang siya ay naghaharumintado sa pagpintig ang puso niya.
"Boyfriends? Seryoso ka ba riyan?" Tanong niya ulit.
Tumango ito "Yes, I'm serious. Gusto mo bang pakasalanan na kita ngayon?"
"Themis naman"
Tumawa ito at humalik sa pisngi niya.
"Seryoso ako Xavier, seryoso ako sa'yo"
Gusto niyang sumigaw sa kilig, gusto niyang magpagulong-gulong sa sayang nararamdaman.
"Sobra ka naman atang kinikilig?"
Halos lumundag ang puso niya sa gulat ng makarinig ng boses, mag-isa lang siya sa bahay ngayon dahil nagsisimula ang pang-gabing trabaho ni Night ng ala singko, imposibleng siya iyon nagsalita.
Napabalikwas siya ng bangon sa sofa at halos mahulog ang puso niya sa kaba matapos lingunin kung sino ang nagsalita.
"Klaus?" Gulat niyang tawag sa nakatayong lalaki sa bukana ng kusina nila.
"Hi"
"Anong ginagawa mo rito? At p-paano ka nakapasok?" Tanong niya rito.
Lumakad ito palapit sa kanya "Kanina pa kaya ako kumakatok pero hindi ka naman sumasagot, kaya inakyat ko ang bintana ng kusina niyo, pasensya na ah hindi ko kasi alam na busy ka sa kilig na nararamdaman mo" Sagot nito sa kanya at umupo sa tabi niya sa sofa.
Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito, mukha siguro siyang tanga sa ginagawa niya.
Bahagya siyang lumayo.
"Ano, bakit ka nga nandito?" Tanong niyang muli.
"Hindi ko rin ginusto ito Xavier but I don't have a choice, mapapatay ako ng pinsan ko kapag hindi ko siya sinunod" Sagot nito at isinandal ang likod sa sofa.
![](https://img.wattpad.com/cover/250748276-288-k452589.jpg)