Xavier Haxon
Dahan-dahan idinilat ni Xavier ang mga mata, naghikab pa siya bago bumangon at tumingin sa paligid, his smile went down when he saw the space beside him is empty.
Kailangan siya gumising at hindi ko napansin?
Gusto niya pa naman maranasan na matutulog siya at magigising na magkayakap silang dalawa pero nauna nang bumangon ang boss niya.
Hinawakan niya ang kumot na nakabalot sa kanya at duon niya lang napansin na iba na ang suot niya, malaking tshirt na hanggang hita niya ang suot niya.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi sa naisip.
He cleaned me?
May kaonti pa siyang hiyang nararamdaman habang iniisip kung paano siya nito nilinisan, doon din muling bumalik ang alala nilang dalawa ng nagdaang gabi.
Halos dumiin ng husto ang mga ngipin niya sa ibabang labi sa pagkagat niya roon upang pigilan ang sarili na kiligin at humiyaw.
Bumangon na siya sa kama at dumiretso ng banyo para maghilamos at magsipilyo, alam niyang may mga extrang gamit dito dahil dati na rin siya ditong nagawi.
Nang matapos ayusin ang sarili ay lumabas siya at hinanap ang kanyang nobyo, nagbabakasaling nasa kusina ito pero wala lumibot pa siya ng kaonti hanggang sa makarating siya sa sala.
Napabusangot siya ng wala ni anino ni Themis ang naroon.
"Themis? Sir?"
Ilang beses niya itong tinawag pero wala.
Lumabas ba siya? Saan naman siya nagpunta?
Babalik sana siya ng kusina dahil napagdesisyunan niyang maghanda ng agahan para sa kanila, pero may pumukaw ng atensyon niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa lamesa at tila bumigat ang paghinga niya ng makita kung ano ang mga naroon.
Nakalatag ang mga pictures sa lamesa, napatakip siya sa bibig at mas lumapit pa roon, isa-isa niyang tiningnan ang mga iyon at kahit gaano niya pa tagalan ang pagtitig sa mga litrato ay hindi magbabagong siya ang mga nasa pictures.
Nanginginig ang mga kamay niyang kinuha ang isang litrato, siya ito na kinakabit ang wig sa kanyang ulo, ang isa naman ay ang paglabas niya sa hotel kung saan nila noon tumuloy.
Unti-unting lumabas ang mga luha sa kanya.
H-How
Agad niyang binitawan ang hawak niyang litrato at dali-daling bumalik sa kwarto, tapos ay kinuha ang mga gamit niya. He didn't waste even a minute to change his clothes, he wants to get out of there.
Hindi niya kakayanin kung magkakaharap pa sila ng boss niya sa ganuon punto.
I can't face him now
Umiiyak siyang umuwi ng apartment niya, hindi niya alam ang gagawin. How can he face him now that his boss knew who's Amber? That it's him this whole time.
Halos mapaluhod siya sa sakit na nararamdaman niya, hindi niya kayang haranapin at alamin ang reaksyon ng boss niya, paano kung galit ito sa kanya sa ginawa niyang panloloko?
Mas lalo pang bumigat ang bawat paghikbi niya ng makitang tumatawag ito sa kanya. Hindi niya kayang sagutin ang tawag na iyon kaya ng maging missed call ito ay agad niyang pinatay ang cellphone niya.
Dapat magresign na ako bilang secretary niya.
Themis Yvan Del Fuego
Napahilamos siya sa mukha ng hindi sagutin ni Xavier ang tawag niya, at nang tumawag ulit siya ay cannot be reach na ito.
"Fuck!"
Halos mabato niya ang cellphone sa inis. Lumabas lang naman siya ng condo to buy some groceries dahil gusto niyang paghandaan ito ng almusal pero pagbalik niya ay wala na ito sa condo. Wala ni isang hibla ng buhok nito ang naabutan niya.
Inis siyang pumunta sa sala at kinuha ang mga litratong nagkalat doon tapos ay tinapon sa trash can.
"Damn it!" Napasandal siya sa pader.
He knew na nakita ni Xavier ang mga iyon, at alam niyang dahil doon kaya ito umalis ng condo. He feel so frustrated. Feeling niya sa mga oras na iyon ay nawala sa kanya si Xavier.
Dapat kanina ko pa tinapon ang mga iyon! Tangina!
Kinuha niya ang susi ng kanyang kotse, gusto niyang makita si Xavier he wants him to know that he's not mad, that everything is fine and he's okay that he is Amber.
Wala naman talagang kaso iyon sa kanya, kahit na nuong unang mga oras matapos niyang makita ang mga litrato ay galit siya at iniisip kung anong pwedeng dahilan kung bakit nito iyon nilihim sa kanya, he can't think of any sign na pinakita nitong niloloko lang siya the whole time they're together.
He wants him to know that he understands and nothing will change he loves Xavier, he will accept everything about him kahit ano pa ang bagay na matuklasan niya tungkol sa pagkatao nito.
Nagsimula siyang magmaneho papunta sa apartment ni Xavier, nang makarating siya ay agad siyang kumatok sa nakasaradong pinto. But no one answer him, hindi bumubukas ang pinto kahit ilang beses niya pang katukin iyon.
"Xav? Baby are you there? Please let's talk"
"Baby let me in please let me see you I want to see you Xav please"
"Baby please kausapin mo ako"
Pero wala ni isa sa pagtawag niya ang nasagot.
"Come on man, are you literally killing yourself?" Kinuha ni Deimos ang bote ng alak sa kamay niya.
Nakauwi na ito kasama ang mga kaibigan niya galing Maldives, ibig sabihin nuon ilang araw na rin ang nakalipas mula ng araw na umalis ang sekretarya niya ng walang pasabi.
"He's gone, fuck I lose him!"
Lagpas isang linggo na, hindi na rin ito pumapasok sa opisina. Tila mababaliw na siya sa tuwing papasok siya sa trabaho dahil buong araw niyang hinihintay ang pagdating ni Xavier para pumasok bilang secretary niya, at kada segundong dumadaan ay lalo siyang nawawala sa sarili dahil walang Xavier na dumarating.
"You didn't, okay? Tangina tutulungan nga kitang hanapin siya"
"Paano kung–"
"Stop okay? I'll find a way, babalik siya Them"
Umiling siya, hindi naman iyon ang tanong niya, paano kung hindi na siya nito gustong makita? Paano kung ayaw na nito sa kanya.
He think hindi niya kakayanin iyon, he loves him too much and it's breaks his heart thinking of not being with him anymore.
"I love him, I love him so much I don't want to lose him"
"I know I know tanginang pag-ibig to! Tama na humiga ka na at matulog! Bukas pagdilat na pagdilat mo may paraan na ako para malaman kung nasaan ang boyfriend mo!"
Naramdaman niya ang pag-akay nito sa kanya at pagbitbit pahiga sa kama.
Yun na ang huli bago siya tuluyan lamunin ng antok dahil sa pagod at kalasingan.