THIRTY EIGHT

340 17 0
                                    

Xavier Haxon

"Xavier!" Napalingon siya sa tumawag sa kanya, tumakbo ito palapit at may inabot sa kanyang mga folder.

"Buti nakita kita kaagad, ito pala mga meeting request. Need ng pirma ni sir para magawan mo na rin  ng schedule" Sabi nito sa kanya, isa ito sa mga naging close niya sa kompanya. Mabait ito at malambing kaya naging close din sila.

Tumango siya at tinanggap iyon "Sige Ms. Angel salamat"

Hinampas siya nito sa balikat "Ano ka ba sabi ko Angel na lang"

Pareho silang natawa "Okay sige Angel salamat"

"Kamusta na kay sir? Ikaw pa lang tumatagal sa kanya, huwag kang magresign ha isa pa mukha siyang masigla simula nung naging secretary ka niya" Sabi nito sa kanya na ikinapula niya, walang ni-isa sa mga nagtatrabaho sa DFC ang may alam tungkol sa totoo nilang relasyon.

"Hindi naman"

"Minsan nga iniisip ko na na may relasyon kayo"

Tumawa na lang siya at nagmadali ng nagpaalam, dahil hindi na niya alam ang sasabihin kung sakaling magtanong pa ito nang magtanong.

Pumasok siya sa office ng boss dahil nandoon na rin naman ang table niya, may kausap ito sa phone at agad iyon ibinaba tapos ay lumapit sa kanya.

Hinapit siya nito sa bewang at hinalikan ang sintido niya, minsan hindi niya masundan ang mga galaw ni Themis, hindi pa rin siya masanay-sanay kaya lagi siyang pinamumulahan ng mukha sa bawat ginagawa nito sa kanya.

Tumingin ito sa hawak niya kaya naman kumalas siya sa yakap at inilapag ang mga folder sa lamesa nito.

"Meeting request, need ng signature from you" Sagot niya tumango ito at lumapit sa kanya, sa pagkakataon iyon ay yumakap na ito mula sa likuran niya.

Themis kiss his nape and sway their body.

"Basahin mo baby"

Ang init ng hininga nito ay naramdaman ng sensitibo niyang tenga, nakikiliti siya at nakikita iyon ng boss niya kaya mahina siya nitong tinawanan.

Kumalas ito sa yakap at umikot tapos ay umupo na, siya naman ay inisa-isa ang mga request ang iba ay pinirmahan ni Themis at ang iba ay hindi. Matapos nun ay gumawa na siya ng schedule at pinasa kay Angel.

Umuwi sila sakay ng sportsbike nito, lagi siyang kapit na kapit kahit na dahan-dahan ito sa pagmamaneho. Nang makarating sila sa parking lot ng tinutuluyan ay kinarga siya nito pababa.

"Themis kaya ko" Sabi niya ng hubarin nito sa ulo niya ang helmet.

"But I want to do it, a princess should be treated right" Kinindatan siya nito at napailing na lang siya.

Sobrang swerte niya dahil ibang-iba ang nakikita niyang Themis sa mga sinasabi ng media tungkol sa kanya. A playboy, ruthless hindi ganoon si Themis, he is sweet, caring, kind.

Nang makapasok sila sa unit ay agad siyang nagpalit, magluluto siya ng dinner nila.

Habang nagluluto ay narinig niya ang mga yapak ng nobyo nilingon niya ito at nakakunot ang noo nito habang nakapamewang at may kausap na naman sa phone.

Nang matapos ang tawag ay nilapitan siya nito.

"Baby I'm sorry but I need to go" Yumakap ito sa kanya at humalik sa leeg niya.

"Why? May problema ba?" Tanong niya rito bumuntong hininga ito at hinaplos ang pisngi niya.

"It's something urgent, aalamin ko pa" Sagot nito at tumango siya at agad na nagets kung tungkol saan ang tawag na iyon. Sa pagsama niya kay Themis ng ilang linggo ay ilang beses itong umalis ng hatinggabi para pumunta sa head quarter ng Ignite, lagi siyang kinakabahan at hindi makatulog na wala sa tabi niya ang nobyo.

TS#1: THE SEDUCER [BXB] COMPLETE ✓Where stories live. Discover now