CHAPTER THREE- He knows the Dare..!

2.5K 104 3
                                    

[HE KNOWS THE DARE]

▪ZAMARA POV▪

Naalimpungatan ako nang tumunog ang phone ko na nakalagay sa ilalim nang aking unan.

Nag mulat ako at umupo sa kama para sagutin at tignan kung sino ang tumatawag sakin.

Nang makita kong si Papa ang tumatawag dali dali ko itong sinagut.

"Hello po, Pa?" Paos kong sagut dahil kagigising ko lamang.

"Zy, Iha? Nasan ka ngaun?" Tanung ni Papa sakin.

Agad naman akong umayus sa pag kakaupo.

"Nandito po ako sa dorm!" Pagsisinungaling ko. Ang totoo kasi nasa mansyon ako ni Demond at duon na ako tumutuloy simula ng mag trabaho ako sakanya bilang isang katulong.

"Ah ganun ba? Makakauwi ka ba?" Tanung ni Papa sakin.

Inisip ko naman agad ang mga schedule ko school ngaung araw pati na rin sa mansyon ni Demond. Mukhang wala naman masyadong gawain at pwede naman akong mag paalam sakanya kung emergency.

"Bakit Pa? Anu po bang nangyari at anu po bang meron?" Takang saad ko naman sa kabilang linya.

"Iha, Zy!" Wala na si Tito Garry muh!" Mangiyak ngiyak na balita ni Papa sakin. Kaya pala halos kanina pa ako nakakarinig nang hagulgul at iyak sa kabilang linya akala ko naman ay sa signal iyun mejo mahina kasi ang signal sa aming tinitirahan.

"Huh?" Gulat na tanung ko kay Papa. Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa aking narinig.

"Oo Iha, Zy!" Inihihatid siya nang tauhan nang Mafia king, at ang pag kakaalam ko sila ang pumatay rito, pinalabas lang nila na nag pakamatay ang Tito Garry mu!" Saad ni Papa na garalgal na rin ang boses.

Super Close ang Papa ko at si Tito Garry. Dalawang magkapatid lang kasi sila. Si Tito Garry din ang nag bibigay sakin nang allowance kapag umuuwi ako kapag weekend sa bahay. Mabait rin ito at masipag pero wala itong pamilya kasi iniwan siya nang anak niya at asawa. Simula nuon di na nag asawa si Tito Garry at ako na ang itinuring niya bilang isang anak. Sa madaling sabi pangalawang tatay ko siya.

"Mafia king?" Sinu ba siya? At bakit may karapatan siyang pumatay nang inosenteng tao?" Umiiyak na sabi ko.

Halos mawalan ako nang boses sa pag hikbi. Di ko matanggap ang kaisa isang tumutulong sa aking pamilya ay mawawala nang ganun ganun lang at dahil sa Mafia king na yun. Akala mo kung sino madali lang para sakanya ang pumatay nang mga inosenteng katulad ni Tito Garry.

Nababalitaan ko na matagal na ang pag patay nang mga gumagawa nang illegal na gawain at ang pumapatay raw nito ay Ang Mafia king kung saan may Batas itong pinang hahawakan at may grupo ito na tumutuligsa sa mga masasamang tao. Pero pati si Tito Garry na Inosente dinamay nila? Sumusobra na talaga ang Mafia king na yan.

Kumuyom ang aking palad sa mga pumasok sa aking isip.

"Pa? Kelan po dinala si Tito jan sa bahay?" Tanung ko nang makalipas ang ilang minuto kong pag hikbi.

"Kahapon lang nang hapon!" Naka kabaong na siya na inihatid dito at may 1M pang abuloy ang Mafia king na yun kay Tito Garry mu!" Sagut ni Papa sakin.

"Aba!" Talagang ang kapal ng mukha niyang mag bigay ng abuloy pag katapos niyang patayin ng walang kalaban laban si Tito!" Malaman ko lang at makilala kung sino ang Mafia king na yan ipapakain ko sakanya ang 1M na abuloy niya!" Matapang na sabi ko sabay singhot pa.

Nakakalungkot na sa isang iglap mawawala na agad ang pangalawang tatay ko. Masakit at mahirap pero kelangan tanggapin. Gaganti nalang ako sa Mafia king na yun.

"When Mafia king is Inlove"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon