25

2.5K 212 64
                                    











Unedited...










Pabalik-balik si Ismael sa kuwarto habang nag-iisip. Nasa shower room si Fuchsia at naliligo. Napatingin siya sa tatlong malalaking maleta na wala nang laman dahil nasa closet na. Ang mga sapatos ay nasa labas pero hindi pa naayos.

Napatalikod siya sa pinto ng shower room nang lumabas si Fuchsia.

"Maligo ka na, tapos na ako," sabi ni Fuchsia na hinanap ang blower.

"Anong oras ang pasok mo? Idadaan kita sa school," seryosong tanong ng binata.

"Seven," sagot niya at naupo sa tapat ng salamin. "Mang-grocery tayo bukas ha. Tapos bili tayo ng ibang gamit."

"Marami pa akong pagkain diyan."

"Mga gamit na lang."

"Lagayan na lang naman ng sapatos ang kailangan mo."

"Bibili ako ng malalim na plato," sabi ng dalaga. "Ang babaw ng plato mo, ayaw ko niyan kasi gusto ko malalim lalo na kapag kay sabaw tayo."

"Sige."

Lumapit siya sa closet pero napangiwi nang makita ang ilang damit ng dalaga na katabi ng mga damit niya. Patay-malisya siyang kumuha ng damit at pumasok sa shower room. Hal-bath lang sana ang gagawin niya pero naligo na siya para tumagal naman sa loob kahit na isang oras pa. Nakalimang sabon na nga siya sa katawan at tatlong shampoo kaya sa tingin niya ay mahigit isang oras na siya sa loob. Isinuot niya ang bathrobe at lumabas.

Nakabukas ang TV at nakahiga na sa kama ang dalaga.

"Patayin ko na ang ilaw kung matutulog ka na," sabi niya pero hindi ito sumagot kaya pinatay na niya at lampshade. Nagsuklay muna siya. Kung pwede nga lang isa-isahin niyang suklayin ang buhok niya, ginawa na niya. Nang matapos at natuyo ang buhok, dahan-dahan siyang nahiga sa tabi ng dalaga. Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang mahinang hilik nito kaya inangat niya ang kumot hanggang sa leeg nila at niyakap ito sa bewang. Gumalaw si Fuchsia pero para lang yakapin siya.

"Goodnight, babygirl," bulong niya at hinalikan ito sa mga labi at sinikap na makatulog.

Kinaumagahan, agad na bumangon si Fuchsia at lumabas nang maamoy ang bawang.

"Morning," bati ni Ismael. "Nagugutom ka na ba? Malapit na 'to."

"Hindi pa," sagot niya at naupo sa upuan at pinagmasdan ang binata. Ang huling naalala niya ay nainip na siyang maghintay dahil ang tagal nitong maligo kaya nahiga muna siya pero dahil sa pagod ay nakatulog.

"Ito na, sinangag," sabi ni Ismael saka inilapag ang sinangag sa mesa. "Itlog na lang ang lutuin ko. Lagyan ko ng kamatis ha."

"Bakit hindi mo ako ginising kagabi, Ismael?"

"Tulog ka na at naghihilik pa kaya alam kong pagod ka."

"Kahit na! Dapat ginising mo ako after mong maligo!"

"Bakit?"

"Bakit?" ulit ng dalaga at masamang tinitigan ang binatang nakatalikod na sa kanya. "Wala! Iihi lang ako! Umiihi ako bago matulog!"

"Maligo ka muna para saktong tapos na akong magluto," sabi ng binata at sinundan ng tingin ang kasintahang padabog na pumasok sa kuwarto kaya nakahinga siya nang maluwag.

Matapos ang ginisang itlog, nagluto rin siya ng toyo tapos binuksan ang bintana para hindi mangamoy.

"Let's eat," sabi niya sa dalaga nang lumabas na ito.

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon