chapter 14

1.8K 179 19
                                    




Unedited...

Happy bday Nangz'kie Echin.

"Hoy!"

Nagulat siya nang biglang sumulpot si Axl John sa harapan habang naglalakad siya. "Mukhang malalim ang iniisip ng girlfriend ko ah."

"Hindi naman."

Inakbayan siya ni Axl. "Alam mo, kilala na kita, girlfriend. Alam ko kung malungkot, masaya o nai-excite ka."

"Talaga ba?" Inalis niya ang kamay ni Axl John lalo na't sila na naman ang tinitingnan ng kaklase nila. Couple of the class silang dalawa dahil mula first year, siya ang muse at ito naman ang escort nila. "Hindi mo pa ako lubusang kilala."

"Dumating na si Kuya Ismael mo, 'di ba?" tanong ng binata.

"Oo," sagot niya. "Paano mo nalaman."

"Nakita ko sa hospital," sagot ni Axl at namulsa. "Nagkausap na ba kayo?"

"Kumain kami noong Friday tapos sa bahay siya nag-dinner," pagkukuwento niya.

"Pinag-usapan nyo?"

"Buhay niya sa India at buhay ko noong wala siya," sagot niya at pumasok sa classroom. "Wala pa si Chaeya."

Nilingon niya si Axl nang hindi sumagot. Napakunot ang noo niya nang makitang nakasandal ito sa pinto habang nakapamulsa at tinitigan siya.

"B—Bakit?" naiilang siya sa binata.

"Anong bakit?" baliktanong nito.

"Bakit ganyan ka kapag makatingin?"

Napa-smirk ang binata at nilapitan siya.

"Masama ba kung titigan kita eh sa nagagandahan ako sa 'yo mula noon pa?" tanong ni Axl John at hinawakan siya sa kanang kamay. "Alam mo, ang dami mo nang utang sa amin ni Chaeya kaya dapat ilibre mo ako mamaya, okay?"

"Ano ba ang gusto mo?"

"Ice cream sa labas ng Westbridge," sagot niya at napatingin kay Chaeya na kakarating lang. "Na-traffic ka bang tumawid?"

Inirapan ni Chaeya ang binata.

"Sa condo pala ako matutulog mamaya," sabi ni Fuchsia sa kaibigan dahil may mga damit siya roon. Kapag trip niya o maalangan, dito siya natutulog sa condo. Umuuwi na lang siya sa villa kapag nami-miss na niya ang pamilya.

"Sure. Akala ko nga doon ka matulog kagabi," sagot ni Chaeya at naupo sa upuang nasa tabi ng kaibigan.

"Ayos! Food trip tayo," masiglang sabat ni Axl John. "Bibili ako ng liempo at isda para mag-ihaw tayo."

Ganyan ang gawain nila kapag magkakasama.

"Hindi ka ba sasama sa barkada mong lalaki?" tanong ni Fuchsia dahil kahit paano ay may mga barkada rin ito pero sila ni Chaeya ang madalas nitong nakakasama dahil ilan lang naman silang lalaki sa classroom.

"Kapag kasama ko ang mga mahal ko sa buhay, hindi ko na kailangang sumama pa sa ibang kaibigan," nakangiting sagot ni Ismael. "Kayo lang sapat na."

"Drama mo!" sabi ni Chaeya sabay kurot sa tagiliran ni Axl John.

"Aw! Masakit ha!" reklamo ng binata at ngumisi. "Pero mas masakit pa rin na ang crush mo ay may jowa nang iba."

Napatingin si Fuchsia sa binata. "Pero okay lang naman magpakatanga kasi love mo nga siya."

Biglang pumasok ang guro kaya nagsiupo na sila at nakinig sa lecture.

Lunchtime, sa canteen na sila kumain.

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon