Unedited...
Hinawakan niya ang kamay ni Fuchsia at pinisil para iparating sa dalagang nandito lang siya.
"Akala ko ba, uuwi ka na," sabi ni Axl John at tumabi kay Chaeya na hiyang hiya sa sarili.
"Ano naman kung uuwi ako? May karapatan na kayong gumawa ng milagro dito?" gigil na sabi ng dalaga at binitiwan ang kamay ni Ismael saka tumungo sa kusina kaya inilapag muna ni Ismael ang pizza sa table saka sinundan si Fuchsia dahil baka ano pa ang gagawin nito.
Naghahanap ng kung ano ang dalaga pero nagulat siya nang damputin nito ang kutsilyo kaya agad niyang nilapitan.
"Please, huminahon ka, babygirl," pakiusap niya at inagaw ang kutsilyo saka tinapon at hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga. "Huminga ka lang nang malalim."
"B—Bakit po?"
"Basta. Gawin mo na lang para gumaan ang pakiramdam mo. Sige na."
Naguguluhan man ay sinunod ni Fuchsia. Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa mga mata ni Ismael.
"Good. Inhale, exhale. Magaan na?"
"K—Kuya..." usal niya.
"Alam kong masakit at nakakapanghina ng loob na makita mo silang ganoon pero alam kong makakaya mo rin ito, okay?" malungkot na sabi niya at niyakap si Fuchsia para maibsan ang sakit sa puso nito. "Nandito lang si Kuya, okay?"
"M—Masakit lang kasi na nagtiwala ako sa kanila pero nagawa pa rin nilang magsinungaling," sabi ni Fuchsia.
"Kaya mo 'yan, okay? Lilipas din 'yan."
Tumango si Fuchsia at bahagyang tinulak si Ismael nang maramdaman ang pagtibok ng puso nito. Isa pa, natatakot siya na baka maging marupok naman siya at mas lalalim na naman ang nararamdaman para dito.
Nilapitan niya ang kutsilyo at hinugasan pero inagaw na naman ni Ismael.
"Please, lumayo ka muna at iwasan ang matatalim na bagay," pakiusap ni Ismael.
"Bakit?"
"Baka kasi ano ang magawa mo. Hindi naman kailangang umabot sa ganyan. Control your temper, okay? Uwi na lang tayo o kaya mamasyal."
"K—Kakain po ako ng pizza, kuya," alanganing sabi ng dalaga. "Wala kaming gunting e. Ang tibay pa naman ng tali sa box ng pizza."
Dala ang kutsilyo, lumabas siya saka kaya sinundan siya ni Ismael.
Naupo siya sa harapan ng dalawa at kinuha ang pizza saka gigil na pinutol ang tali.
Naupo si Ismael sa tabi ni Fuchsia para bantayan ito.
Kumuha ito ng isang slice ng pizza at inilagay sa center table ang box.
"F—Fuchsia," nahihiyang usal ni Chaeya.
"Kailan pa?" mahinang tanong ni Fuchsia at tiningnan ang dalawang nasa harapan.
Nakahanda lang naman si Ismael. Alam niyang matapang si Fuchsia at hindi nito ugaling magpatalo.
"Sinubukan ko namang pigilan pero—handa naman akong panindigan at ipaglaban si Chaeya," seryosong sabi ni Axl John kaya naikuyom ni Ismael ang kamao. Paano nito maging kampante gayong may babae itong niloko? Ganoon na ba talaga kakapal ang mukha ng mga ito? Gusto niyang makialam pero ayaw niyang pangunahan si Fuchsia dahil magkaibigan ang mga ito.
"Paano kapag mabuntis si Chaeya? Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na hindi pwede dahil nag-aaral pa tayo? Bakit ba ang tigas ng ulo ninyo?" bulyaw ni Fuchsia na para bang mga anak lang na pasaway ang kaharap kaya sa kanya naman napatingin si Ismael.
![](https://img.wattpad.com/cover/248943552-288-k621335.jpg)
BINABASA MO ANG
Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)
RomanceBata: Kuya? Gawan mo po ako ng saranggola tapos sabay ulit tayong magpapalipad. Kuya: Basta ipangako mo na hindi mo bibitiwan ang pisi, okay? Bata: Kaya ko lang naman po binitiwan kahapon dahil malakas ang hangin at sobrang sakit na po ang mga kamay...