23

2.2K 220 57
                                    







Unedited...


"Alam kong kaartehan ito pero gusto ko lang itanong kung totoo bang naging third party ako?" tanong ni Fuchsia nang sunduin ni Ismael sa Westbridge. Ilang araw siyang hindi makatulog dahil sa sinabi ni Natasia.

"Third party?" patanong na ulit ng binata.

"Oo, third party."

"No," sagot ng binata.

"Bakit sabi ni Natasia, third party ako? Paano?"

"Huwag mo nang kausapin si Natasia," sabi ng binata na nairita na sa dating kasintahan dahil kung ano-ano ang pinagsasabi nito kay Fuchsia.

"Bakit? Dahil totoo ang sinasabi niya? Pero wala naman tayong relasyon ah."

"Exactly!"

"Maliban na lang sa kung hindi pa kayo hiwalay?"

"Damn! Matagal na kaming hiwalay, Fuchsia. Utang na loob, huwag mong isipin 'yan," pakiusap niya at medyo pinabilisan ang pagpatakbo ng sasakyan.

"Okay, sabi mo eh!"

Kumunot ang noo niya nang umiba ang daan ni Ismael.

"Saan tayo pupunta?"

"Kausapin natin si Natasia nang harapan para magkaliwanagan!" sabi ng binata kaya natahimik ang dalaga dahil sumeryoso ang mukha nito. Alam naman niyang noon pa ay may pagkadominante ito at minsan ay pikon din lalo na kapag ibang tao ang kaharap.

Nang makarating da condo building ni Natasia, bumaba rin siya at walang imik na sumunod sa binata. Nasa fifth floor ang unit nito at nakailang door bell pa sila bago bumukas ang pinto.

"May kailangan ka?" nakataas ang kanang kilay na tanong ng lalaking bumukas ng pinto. Napasiksik si Fuchsia kay Ismael nang mapansing nakatapis lang ito ng tuwalya sa bewang kaya nakikita niya ang maliit na dragon tattoo sa kanang dibdib nito.

"Si Natasia?" seryosong tanong ni Ismael.

"Nasa shower room, may kailangan ka?"

Umatras nang kaunti si Fuchsia nang makitang nagbabaga ang mga mata ng lalaking kaharap pero si Ismael ay kalmado pa rin.

"Sweetheart?" malambing na tawag ni Natasia nang makalabas sa shower room na naka-white bathrobe at basang-basa pa ang buhok nito. "Oh, may unexpected visitors pala ako."

"Can we talk?" tanong ni Ismael.

Lumapit ito sa kanila at sinulyapan si Fuchsia.

"Sweetheart, prepare ka na ng breakfast natin," sabi ni Natasia sa kinakasama.

"Bilisan mo!" sabi ng lalaki bago sila tinalikuran.

"What brought you here?" tanong ni Natasia.

"Bakit mo sinabi kay Fuchsia na third party siya?"

"Hindi ba?"

"Utang na loob—" Ismael.

"Oo, third party siya! Alam mo kung bakit? Kasi siya ang mahal mo habang tayo pa noon!"

"Minahal kita at alam mo 'yon, Natasia!" giit ng binata.

"Minahal mo ako pero tanga ka kasi hindi mo alam na mahal mo rin siya! Ow, mas magandang sabihin na mas mahal mo siya!" taas noong sagot ng dalaga kaya napakunot ang noo ni Ismael. "Hindi mo alam? Tanga ka kasi!"

"Huwag ka nang gumawa ng istorya, Natasia. Bakit hindi ka na lang maging masaya?"

"For your information, masaya ako! Inaano ko ba kayo?"

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon