UNEDTED....
....
"Kuya, bili po tayo ng cotton candy, gusto ko talagang kumain eh," pakiusap ni Fuchsia habang nakabuntot kay Ismael para hindi mawalan. Nakatali na naman ang mahabang buhok nito at nakaputing shorts and fuchsia tshirt tapos doll shoes na kulay fuchsia rin kaya agaw-pansin din ang mukha ni Fuchsia lalo na't maputi ito.
"Sige, halika ka!" yaya ni Ismael at hinawakan ang kanang kamay ni Fuchsia para makipagsiksikan sa mga tao. "Huwag kang bibitiw, okay? Baka mamaya mawala ka."
"S—Sige po..." sagot niya at napasulyap sa mga kamay nila ni Ismael. Gustong-gusto niyang palaging nakahawak-kamay sila. Pakiramdam kasi niya ay secure siya.
Fiesta ngayon sa bayan ng Solomon, Nueva Vizcaya at sa dating kaklase ni Ismael sila namiyesta dahil lumapit sila ng bahay. Naka-motor lang naman sila kaya madali lang ang pag-uwi basta hindi lang sila magpagabi.
"Kuya, dalawang cotton candy nga po. Isang kulay pink at isang blue," sabi ni Ismael.
Binigyan sila ng cotton candy kaya naglakad sila palapit sa bench dahil nagrereklamo na si Fuchsia.
Tahimik na naupo ang dalaga at kinain ang cotton candy.
"Dito ka lang, bili lang ako ng palamig," paalam ni Ismael.
"Sige po," sagot niya at pinagmasdan ang grade one pupil na sumasayaw ng pearly shell. Ganito sila sa probinsya, kada fiesta ay may sayawan talaga kada grade at sinadyang ipatahi ang pare-parehong suot na costume.
Natawa siya nang sumunod na grade 3 ay By the Rivers of Babylon ang musika. Iyon din kasi ang sinayaw nila noong grade 3 sila.
By the rivers of Babylon, there we sat down
Yeah, we wept, when we remembered Zion
By the rivers of Babylon, there we sat down
Yeah, we wept, when we remembered ZionThere the wicked
Carried us away in captivity
Required from us a song
Now how shall we sing the Lord's song in a strange land?
At dahil mga bata pa, enjoy an enjoy naman sila sa pagsayaw. Ang iba nga eh, macarena pa. Siguro kapag magdalaga na sila, saka na lang sila matawa sa experience nila."Nakakatuwa sila," sabi ni Ismael at naupo sa tabi niya sabay bigay ng ice cramble tapos inilapag sa bench ang palamig.
"Sakay tayo sa ferris wheel, Kuya Ismael," sabi niya at napatingin sa ferris wheel at iba pang libangan.
"Sure. Pero mamayang hapon na. Laro muna tayo ng dice," sabi ni Ismael. Ayun, pumusta sila na tig piso lang. Tatlong dice at kung lalabas ang kulay na pinustahan nila ay mananalo sila. Kapag tatlo ang lumabas, X3 din ang balik sa ipinusta nila.
"Yellow! Yellow!" tili ni Fuchsia at napatalon nang puro pula ang tumihiya. "Panalo ako! Panalo ako!" Mabilis na kinuha niya ang tatlong piso na ibinigay ng nagbabantay.
"Yellow ang sa 'yo eh," sabi ni Ismael na napakamot na lang.
"Hati tayo, kuya," sabi niya sabay pa-cute kaya napailing na lang si Ismael at naglaro pa sila. Ayun, panalo naman siya pero bawi lang dahil natatalo si Fuchsia at madalas na kinukuha nito ang mga panalo niya.
Lunchtime. Pumunta sila kina Princess Ivy para kumain.
"Grabe, may classmate na tayong nurse!" sabi ni Heaven katabi si Chris. "Ano nurse Ismael?"
"Tigilan nga ninyo ako. 'Di ko nga maipasa ang Community Health nursing ko e," sagot ni Ismael.
"Sus, ikaw pa," sabat ni Jenny at inginuso si Fuchsia na kumakain ng mango float sa mesa. "Kayo na ba?"

BINABASA MO ANG
Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)
RomanceBata: Kuya? Gawan mo po ako ng saranggola tapos sabay ulit tayong magpapalipad. Kuya: Basta ipangako mo na hindi mo bibitiwan ang pisi, okay? Bata: Kaya ko lang naman po binitiwan kahapon dahil malakas ang hangin at sobrang sakit na po ang mga kamay...