Unedited...
"Good afternoon, Nanay!" masiglang bati ni Fuchsia at humalik sa kanang pisngi ng ina matapos ilapag ang bag sa couch.
"Pwede ba, pakilagay naman ng bag mo sa tamang lagayan!" naiinis na sabi ni Green Maroon sa kakambal.
"Ang tatay mo?" tanong niya.
"Nasa school pa," sagot ni Ayesha at napatingin kay Ismael na naghuhugas ng mga kamay sa wash room.
"Okay po," sabi ng dalagita at tumakbo paakyat sa kuwarto tapos agad na nagpalit ng damit. Walking pink shorts and white tshirt na may drawing ni Stitch sa harapan niya ang kanyang isinuot.
Napangiti siya nang pagmasdan ang sarili sa salamin. Sa edad na trese anyos ay masasabi niyang isa na siyang dalaga o mas tamang sabihin na feeling lang niya dahil sa mata ng pamilya ay bata pa siya.
Suot ang kulay Fuchsia na tsinelas ay dali-dali siyang bumaba habang tinatalian ng ribbon ang mahaba niyang buhok.
"At saan ka na naman pupunta?" nakapamewang na tanong ni Ayesha. "Mag-merienda ka, may nilaga kaming saging."
"Later, nanay! Pupunta lang po ako sa burol!" masiglang paalam niya. "Friday ngayon eh!"
"Naku, ikaw talagang bata ka!" inis na sabi ni Ayesha dahil mukhang hindi na mapipigilan ang anak.
"I'll be back!" sigaw niya habang patakbong lumalabas sa gate.
Nang makarating siya sa burol ay iginala niya ang mga mata sa paligid. Marami ang batang nagpapalipad ng saranggola at umaakyat sa puno.
"Ate!" tawag ng isang batang bugkalot.
"Hello," bati niya.
"Ang ganda ng ribbon mo!" puri ng bata kaya napangiti si Fuchsia.
"Gusto mo?"
Tumango ang bata kaya tinanggal niya ang tali at ibinigay sa bata kaya biglang nilipad ng hangin ang mahaba at nakalugay niyang buhok. Naupo siya at pinagmasdan ang napakagandang tanawin. Alas kuwatro 'y media pa lang kaya oras na talaga ng pagpapalipad ng mga bata. Isa pa, Biyernes ngayon kaya ang iba ay dumadaan muna rito at naghahabulan.
Tumingala siya sa kalangitan. Ang dami na namang clouds na may iba't ibang hugis gaya ng aso, babae at kung ano-ano pang pasok sa imahinasyon niya.
"Nandito ka na pala," wika ng binatang nakatayo sa tabi niya kaya napatingala siya. Nakaputing sando at walking shorts ito habang may bitbit na kulay Fuchsia na saranggola.
"Kuya!" masiglang wika niya at tumayo saka pinagpag ang shorts.
"Kanina ka pa ba?" tanong ni Ismael habang inaayos ang pisi.
"Bago lang po," sagot niya at matamis na nginitian ang binata. "Maaga ka yata?"
"Early out kami kaya nakauwi ako nang maaga," sagot ni Ismael at nginitian ang dalagita. Nasa kolehiyo na siya at every Friday ang uwian niya. Alam niyang naghihintay si Fuchsia sa kanya rito sa burol kaya nagmamadali siyang puntahan ito. Ito na rin ang nagiging routine nila kahit na hindi na sila mag-usap.
"Hindi ka nag-reply sa akin kanina!" nakasimangot na sabi ni Fuchsia at hinawakan ang saranggola.
"Busy ako sa school," sagot ni Ismael dahil ayaw niyang paistorbo lalo na't malapit na ang midterm nila.
"Ganoon ba?" tanong ni Fuchsia habang palayo sa binata. "Okay na ba ang layo ko?"
"Oo," sagot ni Ismael na hinubad ang tsinelas. "Wait lang ha. Bilang ako ng tatlo at pakawalan mo na ang saranggola."
BINABASA MO ANG
Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)
Любовные романыBata: Kuya? Gawan mo po ako ng saranggola tapos sabay ulit tayong magpapalipad. Kuya: Basta ipangako mo na hindi mo bibitiwan ang pisi, okay? Bata: Kaya ko lang naman po binitiwan kahapon dahil malakas ang hangin at sobrang sakit na po ang mga kamay...