Chapter 5

1.7K 163 17
                                    

Unedited....

"Ni-load-an kita," sabi niya habang kausap sa videocall ang binata.

"Fuchsia naman, sabing 'wag na kasi may load pa ako," sabi ni Ismael.

"Okay lang po. Gamitin mo na lang kasi masyadong magastos kapag mag hotspot ka pa ng laptop mo," sabi niya.

"Ikaw talaga," sabi ni Ismael.

"Uy, sino na naman 'yan? Jowa mo?" tanong ng boardmate ni Ismael na kakatapos maligo at nakatapis lang.

"Doon ka na nga!" pagtataboy ni Ismael at lumabas para hindi maistorbo ng mga kasama. "Kumain ka na ba, Fuchsia?"

"Yes po. Ikaw, kuya?"

"Tapos na rin."

"Ulam mo?"

"Bumili lang kami ng inasal sa labas," sagot ng binata. "Sa Friday pala, makakasama ka ba kina Nanay?"

"Sige po, susubukan ko," sagot niya. Capping and ringhop na nina Ismael kaya excited na ito.

"Sige, aasahan ko 'yan," sagot ni Ismael.

"Sige po gagawa na ako ng homework ko," paalam ni Fuchsia nang makitang pumasok ang ama.

Tinapos na niya ang tawag at itinuon ang atensyon sa ginagawang assignment.

"Sino ang kausap mo?" tanong ni White. "Boyfriend mo?"

"Hala, wala po akong boyfriend," tanggi ng dalagita.

"Wala talaga?"

"Tatay naman! Bata pa ako eh."

"Ayaw ko ng singungaling, Fuchsia!"

"Si Kuya Ismael lang po talaga ang kausap ko, tatay."

"Siguraduhin mo lang. Isa pa, hindi na kayo mga bata, Fuchsia. Kailangan mo nang dumistansya kay Ismael dahil nabibigyan na ng malisya ng iba ang closeness ninyo."

"Hala. Hindi po ah."

"Maglagay ka na ng limit, Fuchsia. Nagkakaedad na kayo at malayo ang agwat ninyo ni Ismael. Hayaan mo siyang makipagkaibigan sa mga kaedad niya at matuto kang umunawa sa sitwasyon niya. Busy siya kaya limit mo ang pag-istorbo sa kanya, okay?" payo ni White at napasulyap sa mga papel ng anak. Nakagawa naman ito ng gawain pero unlike kay Green Maroon, mas tamad ito.

"Okay po."

Nang lumabas ang ama, tiningnan niya ang mga binebenta sa Lazada pero ayaw naman niyang bigyan ng mumurahing regalo kaya tumingin siya ng sapatos sa shop nina Mandy. Napangiti siya nang may bago silang ni-release na Adidas. Oorder siya para gift kay Ismael. May pera naman siya sa account niya dahil monthly ay idini-deposit ng ama ang tig 10 percent sa kita ng business nila. May ibang business din kasi ang ama sa Maynila at pinapangalagaan lang nito sa mapagkatiwalaan at may mga share rin ito sa family business nila.

Ang kita nila rito sa Nueva Vizcaya at ang sahod ng ama ay iyon ang ginagastos nila sa pang-araw-araw.

Isa pa, nakakabenta rin ng mga halaman at bulaklak ang kanyang ina kaya malaki rin ang naitulong nito lalo na't marami na itong suki. Sa likod-bahay ng bahay nila ay may kalahating hektarya na silang natanim na bulaklak.

Napatingin na naman siya sa mga love letter na binigay ni Khielenrox Ambojia. Iisang tao lang ang nagpapabigay sa kanya nito pero hindi pa rin nagpapakilala.

"Sino kaya siya?" tanong niya sa isip.




-----------



Sakay ang kotse ay nagpahatid sila sa driver sa hotel na pinagdarausan ng capping ceremony.

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon