Chapter 4

1.9K 168 21
                                    


Edit ko po sa previous chapter ha. Pagod na akong mag-isip kaya isang bday na lang. Gawin ko na lang po quad ang bunso nila. Hahahaha.





Unedited...

"Nanay? Magbe-bake ako ng cake!" sabi ni Fuchsia. "Strawberry cheesecake dahil favorite ni Kuya Ismael!" sabi niya.

"Uuwi ba siya ngayon?"

"Yes po, Friday na eh. Isa pa, birthday po niya." Naglagay siya ng kulay Fuchsia na apron. Sa bahay nila, hindi pwedeng magpalit ng gamit dahil may kani-kaniya silang kulay ng mga gamit.

"Oo nga pala," sabi ni Ayesha. "Teka, bakit ang aga yata ninyo?"

"Wala na po kaming pasok dahil absent si Teacher," sagot ni Fuchsia at hinanda na ang mga gamit. Marunong siyang mag-bake dahil mahilig kumain si Ismael ng cake and cookies.

"Ayaw kong kumain ng cake mo," sabi ni Green Maroon. "Ang dugyot mong gumawa eh!"

"Dugyot din mukha mo!" palaban na sabi ni Fuchsia. "Hindi ka naman pogi, supot pa! Di ba marumi ang supot, nanay?"

"Mas dugyot ka!"

"Tama na nga ninyo iyan!" saway ni Ayesha. "Ikaw Green Maroon, dahan-dahan ka lang sa pananalita mo lalo na kapag may ibang tao."

"Totoo naman, nanay," depensa ni Green Maroon.

"Alam mo nanay, nakakahiya siya dahil nang pumasok sang principal sa classroom, inabutan niya ng alcohol," sumbong ni Fuchsia kaya napaharap na si Ayesha kay Green Maroon.

"Maalikabok ang upuan at naka-uniporme siya," depensa ng binatilyo. "Alangan naman hayaan ko lang eh, madudumihan ang damit niyang pantalon."

"Baliw ka talaga! Control mo 'yang bunganga mo, Green Maroon ha!" paalala ni Ayesha. "Makakakita ka ng kaaway sa ganyan. Hayaan mo lang sila dahil baka makaka-offend ka."

"Opo," magalang na pagpayag niya kahit na labag sa kalooban.

Pakanta-kanta habang nagbe-bake si Fuchsia. Buong araw niyang hindi tinatawagan si Ismael para batiin. Gusto kasi niyang isurpresa ito mamaya.

"May regalo ka na?" tanong ni Ayesha na tinulungan ang anak.

"Yes po."

"Ano?"

"Secret po."

"Hmm? Di pa secret-secret ka pa," sabi ni Ayesha at pinagmasdan ang anak na magiliw na nagbibiyak ng itlog.

"Basta mommy, dapat soft siya ha. Ayaw kasi niya na matigas at puro tinapay lang."

"Oo na," sabi ni Ayesha. Minsan nagtatampo ang mga kapatid nito dahil mas close pa raw ito kay Ismael kaysa sa kanila. "Dito ka lang, puntahan ko lang mga kapatid mo sa taas."

Naiwan siya kaya gumawa na lang siya ng icing.

Napatingin siya sa cellphone pero maliban sa good morning, hindi na nag-text pa si Ismael.

Maganda ang regalo niya kay Ismael, smart watch dahil kailangan nitong maging aware sa oras lalo na segundo at minuto lalo na kapag kumukuha ng vitak signs.

Saktong tapos na siya ng bine-bake nang matapos din siya sa icing. Maingat na nilagyan ng disenyong saranggola sa itaas tapos may kaunting pisi at nilagyan ng "happy birthday, kuya!"

"Hindi ba't debut na niya?" tanong ni Ayesha nang bumaba ulit.

"Twenty pa lang po ngayon, nanay."

"Kala ko naman debut na ni Ismael."

Tiningnan niya ang cake.

"Hmm? In fairness maganda ha. At mukhang masarap," puri ni Ayesha.

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon