16

2.1K 196 48
                                    

Unedited...

"Aray! Sumusobra ka na talaga!" nakasimangot na sabi ni Fuchsia sabay hampas ng payong kay Axl John na tinawanan lang siya. "Tawa pa!"

"Ang cute mong magalinmt, babygirl," nanggigigil na sabi ni Axl John sabay kurot sa pisngi ni Fuchsia na kanina pa naiirita.

"Lumayo ka sa akin!"

"Para kang hindi girlfriend," sabi ni Axl John.

"Ayaw na kitang maging boyfriend! Doon ka na nga! Maghanap ka ng ibang mabibiktima mo!" pagsusungit niya.

Kanina pa nakabuntot si Ismael sa dalawa. Ang lakas makapang-asar ni Axl pero niloloko lang pala nito si Fuchsia. Nagpipigil lang siya na sugurin ang binata dahil nasa hospital sila pero oras na umuwi sila sa Nueva Vizcaya, makikita nito ang hinahanap niya.

"Sumbong kita sa parents mo!" pagbabanta ni Fuchsia.

"Grabe ka, joke lang e," sabi ni Axl John at inakbayan si Fuchsia kaya sumalubong ang mga kilay ni Ismael. How dare him na hawakan si Fuchsia matapos saksakin patalikod?

Napalingon si Fuchsia.

"Morning, kuya," magalang na bati nito.

"Morning Kuya Ismael," bati ni Axl.

"Good morning, Fuchsia," walang kangiti-ngiting bati ni Ismael.

"Duty na po ba o uuwi na?" tanong ng dalaga.

"Duty pa lang. Saan ka pala natulog?"

"Sa condo po," sagot ni Fuchsia.

"Ah, mabuti at magkasama kayo ni Chaeya," ani Ismael at inobserbahan ang mukha ni Axl John.

"Wala nga po siya eh," sagot ni Fuchsia. "Pumunta raw po siya sa bahay ng tita niya at doon natulog." Iyon ang paalam ni Chaeya sa kanya at wala naman siyang problema roon dahil madalas namang itong nagpapaalam sa kanya.

"Hindi ka ba takot? May kasama ka ba sa condo?" usisa niya habang nakikisabay sa kanila.

"Hindi naman po ako takot. May CCTV naman po at isa pa, wala namang multo."

"Sana nagpasama ka kay Axl," saad ni Ismael.

"Hindi nga sumasagot ang mokong na 'to eh!" nakalabing sabi ni Fuchsia at sinapak si Axl John."Bakit ba hindi ka sumasagot, ha?"

"Brown out sa amin," sagot ni Axl. "At maaga akong nakatulog kaya hindi na nakapag-charge."

Gustong matawa ni Ismael tapos sakalin si Axl. Kung hindi lang niya nakita ang dalawang nag-motel, baka maniwala pa siya.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Ismael.

"Hindi pa eh."

"Tara, libre kita sa canteen. May thirty minutes pa naman kayo," yaya niya para lang mailayo kay Axl ang dalaga kahit na ilang minuto lang.

"Kakain ka ba, boyfriend?" tanong ni Fuchsia.

"Huwag na," sagot ni Axl. "Kayo na lang, hintayin ko na lang si Chaeya rito."

"Kapag dumating siya, pasundin mo sa canteen ha."

"Okay."

Sumunod na siya kay Ismael.

"Grabe ang closeness ninyong tatlo, 'no?"

"Opo. Siyempre seven years na rin ang friendship namin."

"Ni minsan ba, hindi sumagi sa isip mo na magkakagusto si Chaeya kay Axl kasi madalas kayong magkakasama?" Gusto niyang batukan ang sarili sa tanong. Mali yata. "Nevermind."

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon