Chapter 12

1.9K 192 40
                                    


Unedited...




6 years later....

"I'm late!" reklamo niya habang pababa ng hagdan pero sobrang gulo ng buhok. "Oh my gosh!"

"Alam mo namang may pasok ka tapos hindi ka nagpa-alarm!" sabi ni Green Maroon na nagbe-breakfast sa dining room. Kung hindi pa niya pinuntahan ang kakambal, hindi pa ito magising. "Kumain ka muna."

"Late na ako!"  sabi niya at uminom ng tubig.

"Here's your baon!" sabi niya.

"Lunch?"

"May pang-breakfast din diyan," sabi niya kaya napangiti ang dalaga at mariining hinalikan sa kanang pisngi ang kakambal. "Yuck!"

"I love you, twin!" sigaw niya na nasa pintuan na bitbit ang bag at lunchbox na inihanda ng kakambal. "Kuya, alis na tayo!"

Naupo siya sa backseat at sinuklay ang magulong buhok.

Tinali niya ang buhok, pinaikot at nilagyan ng hairnet at inayos ng hairpin. Napatingin siya sa itim na wristwatch. 5:30 a.m.

Kanina pa tumutunog ang cellphone niya pero hinayaan na muna niya at madaliang kinain ang burger sandwich na inihanda ng kakambal.
5:50 a.m nang dumating siya sa St.Agustin hospital sa Mandaluyong.

Habang naglalakad, sinagot niya ang tawag ni Chaeya na nasa loob na raw ng hospital.

Medical surgical ward ang first area nila.

"G—Good morning," alanganing sabi niya at naupo sa upuan tapos agad na kinuha ang pocket notebook at tatlong ballpen: red, blue at black.

"Sa ngayon, observe lang muna tayo," sabi ni Analyn Bacalso na clinical imstructor nila.

"Usog," nakalabing sabi ni Fuchsia at bahagyang tinulak ng pwet si Axl John pero nginisihan lang siya nito.

Nag-iendorse ang staff nurse kaya sa isang sulok na lang muna sila.

"Lahat ba may ballpen at lapis?"

"Yes po!" mahina pero sabay nilang sagot.

Isa-isa silang binigyan ng sample ng chart ni Analyn at tinuruan kung ano ang gagawin. "sa morning, black ballpen ang gamit. Blue kapag pm at red ang night shift. Sa endorsement paper, lapis lang ang gamit para pwedeng mabura. Check ninyo ang sample ng doctor's order pero sa ngayon, bawal muna tayo mag-receive, discharge at carry-out ng doctor's order. Dahil firstime ninyo today, vital signs na lang muna tayo and meds."

Nakikinig si Fuchsia at medyo kalmado na ang sarili. Hirap talaga kapag humahabol ng oras dahil parang gahol na kapag dumating. 3 days ang lecture at 2 days ang RLE nila. Thurs-Friday. Rotation ng area.

"Miss? Magbibigay na ba kami ng IV meds?" tanong ni Axl John.

"Hindi pa," sagot ni Analyn. "Oral meds muna kayo." Tiningnan niya ang listahan ng pasyente kung may lalaki para sa dalawang male students niya.

Nang matapos na sila sa pag-discuss, lumapit na sila sa mga staff para magpakilala.

"Good morning," bati ni Analyn kaya napatingin ang mga ito sa kanya.

"Uy, new student?" nakangiting tanong ni Jane Marie Fernandez na naging kaibigan na ni Analyn dahil limang taon na siyang CI ng Westbridge University.

Napatingin si Fuchsia kay Chaeya nang sikuhin siya nito.

"Di ba girlfriend 'yan ng kuya mo?" bulong ni Chaeya kaya napatingin si Fuchsia sa staff nurse na bitbit ang medicine tray.

"Mamaya ko na ibigay ang meds ng bed 10 dahil nasa CR pa," sabi ni Natasia at napatingin sa mga estudyante pero nagulat nang makita si Fuchsia. "Fuchsia?"

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon