10

1.7K 174 48
                                    


Unedited...


"Pakihawak naman," pakiusap ni Ismael at ibinigay kay Fuchsia ang wallet. "Kukunin ko lang ang saranggola."

Summer. Nagpapalipad sila ng saranggola ngayon pero biglang bumulusok pababa.

"Sige po."

Bumaba sa burol si Ismael kaya napatingin siya sa cellphone ni Ismael. Sinubukan niyang buksan pero nadismaya lang siya nang makitang si Anastasia ang nasa wall paper nito.

Out of curiousity, binuksan niya ang wallet nito. Napangiti siya nang makita ang litrato niya. Wala namang picture ni Natasia kaya medyo okay na sa kanya. Wala namang laman kundi 50 pesos lang.

Nang buksan niya ang secret pocket ay may nakita siyang maliit na plastic kaya kinuhat niya at binasa.

"Trust?" bulong niya.

"Babygirl, nandito na!"

Nataranta siya at dali-daling itinago ang inilagay nito sa tabi niya.

"Sumabit sa puno," sabi ni Ismael at naupo sa tabi niya. "Ang hangin ngayon."

"K—Kuya..." usal niya at hinarap ito. "Graduating mo na this year."

"Oo nga eh," sabi ni Ismael at hinawakan ang kanang kamay ni Fuchsia pero nagtaka siya nang mabitiwan nito ang condom. "S—Saan galing  'yan?"

"H—Ha? Ahm..."

Napangiwi siya nang buksan ni Ismael ang wallet.

"Pasensiya na po, curious lang," paumanhin niya tapos ibinalik kay Ismael.

"Okay lang," sagot ng binata at ibinalik sa wallet ang condom. "Pampaswerte ko lang 'to."

"K—Kuya?"

"Yes?"

"W—Wala..."

Nahiga sa damuhan si Ismael at inunan ang mga kamay tapos pinagmasdan ang ibang saranggolang lumilipad.

"V—Virgin ka pa, kuya?" kinakabahang tanong ng dalaga at tiningnan ang katabing nakahiga.

"Tingin ko hindi magandang topic para sa 'yo 'yan," sagot ni Ismael.

"Gusto kong malaman!" singhal ni Fuchsia kaya nagulat si Ismael. "Ayaw ko ng may tinatago ka sa akin!"

Napabuntonghininga si Ismael.

"Galit ka ba, babygirl?"

"Sagutin mo lang ako, kuya!"

"Hindi na," pag-amin ni Ismael kaya napatulala si Fuchsia. "M—May nangyari na sa amin ni Natasia."

Masakit sa dibdib. Mahirap tanggapin. Gusto niyang umiyak pero baka magtaka ito kaya pinigilan niya ang mga luha. Hindi niya ma-imagine na may ibang babaeng nagsasawa sa katawan ng Kuya Ismael niya.

"P—Paano kung mabuntis ka?" mahinang tanong niya at napakagat sa kanang kamay. "M—Mag-aasawa ka na, kuya?" Sinubukan niyang pigilan pero tumulo talaga ang kanyang mga luha nang tuluyan nang nasira ang depensa.

Bumangon si Ismael at inakbayan siya.

"Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mag-aasawa. Nag-iingat naman kami eh."

Pinahidan ni Fuchsia ang mga luha at pinigilan ang sariling huwag magwala.

"Hindi pa ako mag-aasawa, babygirl. May pangarap pa ako."

"B—Bakit may nangyari na sa inyo?" basag ang boses na tanong ng dalaga.

"May mga bagay na hindi mapigilan."

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon