15

1.7K 175 49
                                    















Unedited.......







"Alam kong wala akong karapatan pero sa loob ba ng dalawang taong kayo, hindi ka niya sinaktan o niloko?" curious na tanong ni Ismael. Clueless siya na naging sina Axl at Fuchsia kahit na alam naman niyang nanliligaw ito noon pa man.

"Hindi naman po. May tampuhan minsan pero naaayos naman namin sa mabuting usapan. Isa pa, mas okay na lahat ng bagay ay napag-uusapan."

Tumango si Ismael at itinutok sa unahan ang mga mata dahil nagmamaneho siya pauwi sa Kayapa, Nueva Vizcaya. Ngayon pa lang siya makakaapak ulit kaya nakiusap siya kay Fuchsia na sabay na sila.

"Ikaw, kuya? Ano ang sikreto kung bakit tumagal kayo?" curious na tanong ng dalaga. "Mahigit 6 years ka sa India."

"Secret?" ulit ni Ismael. "Wala naman."

"Kailan ang kasal?" tanong ng dalaga na medyo sanay na sa isiping may mahal itong iba. Napasimangot siya nang tumawa ito nang malakas. "May nakakatawa ba, kuya?"

"Wala," sagot ni Ismael at sumeryoso. "Wala pa akong balak na magpakasal. Hindi pa kasi tapos ang bahay na pinapagawa ko para kina Nanay."

"May time limit ba?"

"Wala naman. Kung makapag-asawa eh di mag-aasawa pero kung hindi, okay lang. Twenty seven pa lang ako at bilang isang doctor na kakatapos lang, hindi pa ito ang tamang panahon. Gusto ko pang i-explore ang pagiging doctor ko. Gusto ko pang ilaan ang buong buhay ko para tumulong sa mga tao," sagot ni Ismael. Namatay ang tiyuhin niya dahil sa sakit na pwede namang gumaling kung naagapan lang sana. Isa pa, balak niyang magpatayo ng maliit ng klinika sa kanilang barangay at magbigay ng libreng gamot na galing sa India.

"Pero dapat may goal ka sa buhay at may plan."

"I have plans. At kakasabi ko lang sa 'yo. Hindi minamadali ang pag-aasawa lalo na kung public servant ka. Gusto kong ibigay nang buo ang serbisyo para sa mga tao kahit na ilang taon lang."

"Kuya, ni minsan ba naisip mo ring magloko o maghanap ng iba?" curious na tanong ng dalaga kaya napasulyap si Ismael sa kanya.

"Bakit? Niloko ka ba ni Axl?"

"Hindi niya ako lolokohin!" sagot ni Fuchsia.

"Gaano ka kasigurado."

"May tiwala ako sa mokong na 'yon."

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ng binata.

"Ayaw kong paiyakin ka lang niya, Fuchsia. Masakit masaktan nang dahil sa pag-ibig," sabi niya kaya napaismid ang dalaga.

"I know, kuya," mahinang pagsang-ayon niya kaya napakunot ang noo ni Ismael.

"Nasaktan ka na? Sinaktan ka na ni Axl John?" galit na tanong niya na parang may mga kalaban sa paligid.

"W—Wala," sagot ni Fuchsia at napayuko nang maalala ang nakaraan. "H—Hindi ko pa naranasan ang masaktan nang dahil sa pag-ibig."  Liar! Siyempre hindi naman nito alam ang tunay niyang nararamdaman noon dahil bilang bunsong kapatid lang ang turing nito sa kanya. Siyempre walang ideya si Ismael kung gaano kasakit dahil may girlfriend naman ito at never naman siyang nagparamdam at umamin.

She kept it. Si Green Maroon lang ang nakaalam ng sakit niyang naranasan. Hanggat maaari, inilihim niya ang lahat at siniguradong hindi makarating kay Ismael o hindi nito mahalata dahil ayaw niyang maging sanhi iyon ng paglayo sa kanya. At mas masakit pala na itago pero wala siyang choice.

Ngayong lubusan na siyang dalaga, panahon na siguro para gawin niya ang tama at kalimutan na ang kakaibang nararamdaman pa kay Ismael. Darating ang araw na magkakapamilya sila at hindi na nila makakasama ang isa't isa.

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon