26

3K 213 54
                                    












UNEDITED...










Tahimik ang buong silid at pinakiramdaman lang ni Fuchsia si Ismael na kanina pa palakad-lakad sa harapan niya habang nag-iisip. Habang nasa sasakyan kanina, bumalik din agad ang malay niya pero dinala pa rin siya ni Ismael sa hospital para magpatingin. Matapos ang ilang minuto, dumating ang parents nitong nagkataon na nasa Maynila rin para dalhan sila ng gulay. Normal naman daw ang lahat kaya kinausap na ni Ayesha ang binata bago sila umuwi para ipaunawa ang lahat.

"H—Hindi pa ba tayo matutulog?" pagbasag ni Fuchsia ng katahimikan dahil pasado ala una na ng madaling araw.

"Sige, matulog na tayo," sabi ni Ismael at nahiga sa kama na nakatalikod sa kanya kaya humiga na rin ang dalaga patalikod din dito at napakagat sa ibabang labi habang nakapikit.

Naramdaman niya paggalaw ng binata at niyakap siya tapos hinalikan sa batok.

"I love you, babygirl," bulong ni Ismael kaya kinabahan naman siya. "Pasensya ka na kung hindi ko natapatan ang pagmamahal mo noon. Hindi ko alam. Naramdaman ko pero akala ko hanggang doon lang iyon."

Huminga siya nang malalim bago humarap kay Ismael tapos nagkatitigan sila lalo na't maliwanag pa ang buong silid. Masuyong hinamplos niya ang pisngi ng binata at dinama ang init ng balat nito sa mga palad niya tapos walang kurap na tinitigan sa mga mata.

"Sinubukan ko namang pigilan kasi alam kong mali pero ang hirap eh," pag-amin ng dalaga habang titig na titig pa rin sa mga mata nito.

"Nagmahal ako pero hindi ko rin alam na lumagpas na pala ako sa hangganan," pag-amin ng binata at hinaplos din ang malambot at makinis na kanang pisngi ni Fuchsia. "I'm sorry kasi huli na nang ma-realize ko. Sorry if I hurt you so bad."

Umiling si Fuchsia. "Don't blame yourself, Ismael. Pero totoo bang kaya mo ako minahal dahil alam mong mahal—" Hindi na natuloy ang sasabihin niya nang ginawaran siya ng matamis na halik ni Ismael sa mga labi.

"Minahal na kita at inamin ko muna sa 'yo na mahal na kita bago ko pa nalaman na mahal mo rin pala ako kaya huwag mong isipin ang pinagsasabi nila na, okay? Mahal kita kahit na hindi mo ako mahal. Niligawan kita hindi dahil malaki ang utang na loob ko sa inyo. Niligawan kita kasi mahal kita at iyon lang ang totoo!" giit ni Ismael. "Matulog na tayo, pasensya ka na kung naging agresibo ako kanina. Hindi na mauulit, promise."

"H—Hindi na mauulit?" ulit ng dalaga na gustong maiyak.

Natawa si Ismael dahil sa reaksiyon ni Fuchsia.

"Oo, hindi na muulit dahil maghintay pa tayo nang kaunti, okay?" Tumayo siya at binuksan ang lampshade saka pinatay ang malaking ilaw tapos nahiga na sa tabi ni Fuchsia at inayos ang kumot nila.

"Kawawa naman ang pussy ko," nanghihinayang na sambit ni Fuchsia.

"Pussy?" pilyong sabi ni Ismael at niyakap ito sa bewang.

"Si Hello Kitty," ani Fuchsia. "Kawawa naman si Kitty."

Inabot ni Ismael ang unan nitong hello Kitty at nilagay sa likod ni Fuchsia. "Sa likod mo lang si Kitty dahil ako ang kaharap mo, okay?"

"Si Bugs Bunny ba 'yan?" pilyang tanong niya kaya natawa si Ismael.

"Takot ka rin naman," biro ng binata kaya isiniksik ni Fuchsia ang mukha sa mainit na dibdib ng kasintahan. Sarap sampalin ng sarili niya dahil sa nangyari! Nandoon na eh!

Matapos ang ilang sandali, pareho na silang nagpahila sa antok.

Kinabukasan, maaga pang nagising si Fuchsia dahil sumasakit ang puson niya. Nang i-flush niya ang toilet, napansin niyang mapula ang tubig kaya nanlaki ang mga mata niya. Mayroon siya. Dali-dali siyang lumabas at naghanap ng napkin sa gamit pero wala siyang nakita.

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon