Chapter 3

1.9K 165 37
                                    







Unedited...






"Videocall tayo, kuya!" pakiusap niya.

"Huwag na."

"Sige na, please. Gusto kitang makita eh," pangungulit ni Fuchsia habang nakahiga sa kama dahil tapos na niya ang assignments niya.

"Wala akong load," sabi ni Ismael sa kabilang linya.

"May load ako. Pa-register ka lang sa Globe, may 5gb ka sa loob ng three days."

"Nahihiya ako eh," sabi ni Ismael.

"Hala. Kuya naman eh. Sige na, please. Miss na kita eh," pakiusap niya. "Lo-load-an kita, promise."

Pina-loudspeak niya at pinasahan ng load ang number ni Ismael sa Gcash.

"Hala, pina-load-an mo talaga."

"Sige lang po. Parang 50 pesos lang eh. Register mo na tapos videocall tayo ha."

Pinatay niya ang tawag at hinintay ang tawag ni Ismael sa messenger.

Nang tumunog ang cellphone niya ay agad niyang sinagot ang tawag.

"Hi, kuya!"

"Sus, ba't 'di ka pa natutulog?" tanong ni Ismael na naupo sa kama.

"Hindi pa po ako dinadalaw ng antok. Patingin naman ako ng room mo."

"Nakakahiya. Ang kalat eh."

"Sige na, please."

Napilitang inikot niya ang camera para makita ng dalagita.

"Eh? Ang kalat naman," puna niya.

"Anim kami sa room kaya ang ibang gamit ay sa mga kasama ko. Dito rin kami kumakain sa maliit na mesa."

"Hala, eh paano ang pag-aaral mo?"

"Dito lang sa kama. Nakita mong tatlong double deck ang higaan namin tapos wala pang bintana."

"Ay, may mga kasama ka nga," sabi ni Ashtray nang makita sa likod na Ismael ang dalawang lalaking pumasok.

"Uy, syota mo? Iba na naman 'yan?" tanong ng isang lalaki at natawa.

"Grabe kayo. Makaiba kayo parang marami akong jowa a."

"Sus, deny ka pa! Pang ilan ka na, miss?" pangungulit ito at tiningnan si Fuchsia.

"Hello po, mga kuya!" bati ni Fuchsia at nginitian ang mga ito.

"Huwag kang maniwala sa mga 'to!" sabi ni Ismael. "Mga loko-loko lang talaga."

"Okay lang po, kuya."

"Naku, maraming nabibiktimang babae 'to kaya mag-ingat ka. Basta moreno at matangkad daw eh, manloloko ang mga 'to!" pang-aasar nito kaya matawa si Fuchsia.

"Grabe kayo. Baka maniwala 'to, uy!" seryosong sabi ni Ismael. Si Fuchsia pa naman ang tipo ng taong hindi basta-basta mabiro. "Parang kapatid ko lang 'to eh!"

"Okay lang po. Sige na kuya, tawag na lang po ako bukas," paalam niya.

"Teka. Nasabi mo na ba kina Tita ang pagkamatay mo?" usisa ni Ismael dahil kinabahan talaga siya pero agad namang nagising ang dalagita.

"O—Okay lang po ako. Napagod lang ako," sagot niya na ayaw ipaalam sa parents ang nangyari.

"Kahit na. Fuchsia naman, huwag matigas ang ulo. Basta ipaalam mo, okay?"

"Sure po," pagpayag niya kahit wala talaga syang balak. "Good night po, kuya."

"Good night," sabi ni Ismael kaya pinutol na ni Fuchsia ang tawag.

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon