Unedited...
"Kapag natutulala ang isang tao, pwedeng problemado o pwedeng in love."
Napalingon siya sa binatilyong nakatayo sa likuran.
"Oh, fishball."
Naupo ito sa tabi niya at inabot ang fishball na nasa plastic cup. "Walang gayuma 'to."
Napatitig si Fuchsia sa hawak ng batchmate at nagdadalawang-isip kung tatanggapin o hindi.
Twelve thirty, kakatapos lang nilang mag-lunch nina Orange at Green Maroon kaya naisipan niyang tumungo rito sa tree park para makapagmuni-muni. Masama pa rin ang loob niya pero alam naman niyang wala siyang karapatan. Una, hindi naman alam ni Ismael na gusto siya nito at pangalawa ay wala naman silang relasyon maliban sa magkaibigan.
"Alam mo, pumapangit daw ang babae kapag nakasimangot."
Napatingin siya kay Axl John na nakaupo na sa tabi niya at kinakain ang fishball na in-offer nito kanina.
"Pero maganda ka pa rin kahit na nakasimangot ka."
Inirapan lang niya ito at kinuha ang cellphone saka naglaro.
"Ano ba 'yan, para akong nakikipag-usap sa hangin," reklamo nito. "Kumusta ka, fishball? Pasensya ka na, kakainin na kita kahit na puro ka harina."
Napasulyap siya kay Axl pero ayaw pa rin niya itong pansinin.
"Masarap naman ang sauce kaya okay lang," sabi ni Axl na maganang kumain.
Guwapo ang binatilyo pero may pagkapilyo lang ang hitsura at ang pananalita. Sa unang tingin, masasabi niyang playboy ito lalo na't may mga kaklase siyang may crush dito. Sino ba ang hindi? Matangkad, medyo makapal ang kilay, matangos ang ilong at magaling pumorma.
"May basketball pala kami bukas," sabi nito. "Kalaban ang grade 10 kaya sana manood ka."
Napangiti si Axl nang hindi pa rin siya sinasagot ni Fuchsia. "mahilig kasi akong maglaro ng basketball pero hindi ng mga babae. Mukha lang akong playboy pero wala pa akong nilokong babae dahil sa ganitong edad, hindi ko pa alam kung paano ba umibig. Well, noong hindi pa kita nakilala." Narinig niya ang malalim na pagbuntonghininga ng binatilyo. "Well, share ko lang."
Naubos na nito ang fishball kaya tumayo na.
"Maganda ang mga mata mo, Fuchsia, sayang lang kung lungkot ang makikita ko riyan."
Narinig niya ang mga yabag nito palayo kaya pakiramdam niya ay lumuwag na naman ang paligid. Mapapagod din ito at ito na mismo ang susuko at hindi na siya kakausapin.
Ka-chat niya si Ismael ngayon na breaktime rin. Nangako siya na hindi na niya ito kakausapin pero isang 'hi' lang, nag-reply naman siya kaagad ng 'hello'.
"Bakit ba hindi kita matiis, kuya?" bulong niya habang nakatingin sa masayang litrato nila. Nakaakbay pa ito sa kanya habang pareho nilang hinahawakan ang saranggolang hugis isda.
Inayos niya ang gamit at tumayo saka pinagpag ang uniporme at nagpunta na sa classroom.
"Saan ka galing?" tanong ni Green Maroon na salubong ang kilay.
"Diyan lang."
"Saan?"
"Diyan nga!"
"Hinanap kita."
"Basta diyan lang. Bakit ba?" Nilagpasan niya ang kakambal at mas lalong sumakit ang ulo niya sa ingay ng mga kaklaseng nagtatawanan. Ang iba ay natutulog at ang iba naman ay nag-aayos ng buhok at naglalagay ng make-up.

BINABASA MO ANG
Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)
RomantizmBata: Kuya? Gawan mo po ako ng saranggola tapos sabay ulit tayong magpapalipad. Kuya: Basta ipangako mo na hindi mo bibitiwan ang pisi, okay? Bata: Kaya ko lang naman po binitiwan kahapon dahil malakas ang hangin at sobrang sakit na po ang mga kamay...