chapter 11

1.9K 173 21
                                    






Unedited...

Mula sa bar, sa Kayapa na nagpahatid si Fuchsia at binalikan na lang ng driver ang parents nila ni Ismael sa hotel. Maaga pa siyang nagpasundo sa chopper para sa Maynila na magbakasyon kaya hanggang ngayon, hindi pa sila nagkikita ni Ismael pero magka-text naman sila at kapag tumawag ito, minsan hindi niya sinasagot at nirarason na lang na busy sila ng pamilya sa kakagala at kakalaro kasama ang mga pinsan.

"Oh," sabi ni White saka inabot ang isang supot ng dalandan at bayabas. "Padala ni Ismael."

"Salamat po," pasalamat niya. Nasa Kayapa raw ito at tinanong siya kung ano ang ipapadala niya kaya sinabi niyang bayabas at dalandan. Okay naman sila pero binawasan lang niya ang time na maka-text ito kahit na kating-kati na siya sa pag-reply.

"Kailan ka ba uuwi?" tanong ni White.

"Huwag mo ngang madaliing umuwi ang apo ko," saway ni Black na nagbabasa sa sofa na kaharap nila. Ngayon lang tumagal si Fuchsia rito kaya tuwang-tuwa sila ni Nathalie.

"Nagtatanong lang eh," depensa ni White. Sampu ang anak nila kaya hindi na kawalan kapag magbakasyon ang isa sa mga ito dahil nababawasan ang sakit niya sa ulo pero siyempre nami-miss din naman niya ang anak.

"Gagala po pala ako mamayang hapon sa MOA," paalam niya.

"MOA? Sino ba ang kasama mo? Ang mga pinsan mo?" tanong ni White.

"Si Axl John po. Nasa Pasay po siya ngayon at nagbabakasyon kaya niyaya po niya ako."

"Boyfriend mo na ba 'yon?" tanong ni White. "Huwag kang sinungaling, Fuchsia!"

"Kaibigan ko lang po."

"Magsama ka ng pinsan mo. Isama mo si Twinkle," sabi ni White na ang tinutukoy ang anak ng pinsan niya dahil hindi sang-ayon sa ideyang ang dalawa lang ang gagala. Baka mamaya kung ano na ang gagawin ng mga ito o kung saan na mapadpad.

"Eh? Busy si Ate Twinkle eh," nakangusong sabi niya.

"Tatawagan ko," sabat ni Black. "Bawal kang lumabas kapag hindi siya kasama."

Walang nagawa si Fuchsia kaya isinama siya ni Twinkle pero dahil pasaway rin ang nakakatandang pinsan, iniwan sila ni Axl John sa seaside ng mall.

"Naka-enrol ka na ba?" tanong ni Axl habang nakaupo sila sa sea wall sa at nakatanaw sa mga taong sumasakay sa bangka para mag-boating.

"Pina-enrol ako ni Tatay. Ikaw ba?" tanong niya.

"Sa Monday na," sabi ni Axl John at napatingin sa mga nakaupo rin sa seawall. "Ang daming magjowa."

Natawa si Fuchsia kasi puro nga lovers ang mga nandito.

"Kaya hirap tumambay rito sa MOA sea side kapag single eh," sabi niya.

"Buti na lang may ka-date ako," nakangiting sabi ni Axl John.

"Nagde-date ba tayo?"

"Hindi ba?"

Napansin niyang sumeryoso si Fuchsia kaya napakamot siya sa batok. "Joke lang, Fuchsia. Siyempre date bilang magkaibigan."

"Ayaw ko lang kasing bigyan mong kahulugan ang friendship natin. Bata pa kasi tayo," sabi niya.

"Okay lang," sabi ni Axl John at napatingin sa dalawang babaeng naglalakad. "Hindi ba girlfriend iyon ng kuya mo?'

Napalingon si Fuchsia kay Natasia kasama ang kaibigan nito. Tatalikod na sana siya nang magkasalubong ang mga mata nila ni Natasia habang may kausap ito sa cellphone.

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon