Chapter 13

2.1K 180 36
                                    



Unedited...




"Kumusta ang duty mo?" tanong ni Green Maroon habang kumakain sila ng breakfast.

"Okay lang," tipid na sagot niya at napatitig sa sandwich. Hindi niya sinabi sa kapatid ang nangyari kahapon. Ni hindi na nga niya nakita pa si Ismael bago sila umuwi. Ayaw na rin niyang makipag-usap kay Natasia dahil hindi na siya nito kinakausap lalo na't na-busy na dahil may idi-discharge ito.

"Okay lang is not okay," ani Green Maroon na nagtitimpla ng hot choco.

"Basta okay lang. Siyempre first day," sagot niya at inubos ang sandwich.

Education ang course ni Green Maroon dahil balak nga talaga nitong sundan ang yapak ng ama nila pero mukhang magkakaproblema na naman ang mga estudyante nito.

"Bahala ka nga," sabi ng binata at nilapag ang hot choco sa tabi ni Fuchsia. "Ubusin mo 'yan para magkalakas ka."

"Thank you, brother. Ay-ayaten ka," malambing na wika niya pero inirapan lang siya ng kakambal at iniwan na. Tinapos niya ang pagkain at bumalik sa kwarto para magbihis. Naupo siya sa tapat ng dresser at naglagay ng kaunting blushon, liptint and kaunting dagdag sa kilay.

Maingat na nagsuot siya ng white stockings at white shoes tapos inayos ang buhok at siniguradong walang kahit na isang buhok ang bumagsak.

Never siyang nag-chat kay Ismael kahit na ang totoo ay umaasa siyang mag-chat ito at kumustahin para magkita sila pero ni wave ay wala. Ang nakausap lang niya kagabi ay si Axl John na napilit pa niyang kumanta kahit na sa tawag lang.

Nagpaalam siya kina Nathalie at Black na nag-uusap sa hardin.

"Ingat po sa pagmaneho, see you," paalam niya sa driver at isinara ang pinto ng backseat.

"Good morning," bati ni Chaeya sa kanya nang madatnan niya.

"Morning," bati niya. "Ang aga mo pa ah."

"Oo kasi maaga pa akong tinawagan ni Axl kung ano raw ba ang baon ko," naiinis na sagot ni Chaeya kaya napangiti siya. Tumawag din si Axl kanina pero tinatamad siyang sagutin dahil hindi na naman siya makakain kapag ito ang kausap niya.

"Morning, ladies!" nakangiting bati ni Axl John na papalapit sa kanila. "Nag-breakfast na kayo?"

"Oo," sagot ni Fuchsia at pinaayos ang cap kay Chaeya matapos kunin sa lagayan.

"May pancit akong dala, kain tayo," yaya ng binata dahil may 30 minutes pa naman silang natitira.

"Huwag na," tanggi ni Chaeya na nagda-diet dahil hindi na kasya ang suot nitong palda.

"Sus, bawal mag-diet," sabi ni Axl John. "Kung ayaw mo eh 'di kami na lang ni girlfriend kakain." Inakbayan niya si Fuchsia at hinayaan lang siya ng dalaga pero nang makitang papalapit sina Jane Marie at Natasia.

"Morning po," magalang na bati ng kaklase nila kaya ngumiti ang mga ito at pumasok sa canteen.

"Wait na lang natin si Miss Bacalso para sabay na tayong pumasok," sabi ni Chaeya.

Hindi pa nila nakita si Ismael kaya wala pa siyang naririnig mula sa mga ito.

"May problema ba? Ang tahimik mo ah," puna ni Axl John.

"Wala," sagot niya at nginitian ang binata. "Bakit? Gusto mo magdaldal ako?"

"Sabi ko nga tahimik ka lang, girlfriend," sagot nito at tumawa.

Nang dumating ang clinical instructor nila ay pumasok na sila. Nasa second floor ang MS ward kaya naghaharutan pa ang iba nilang kaklase habang paakyat sa hagdan. Sa kanilang team, 8 silang lahat sa kanilang area.

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon