Unedited...
Buong week silang hindi nagkita ni Ismael pero nagcha-chat naman. Minsan isang tanong, isang sagot sila.
Naka-off yata si Natasia kaya hindi niya nakita sa duty.
Bitbit ang backpack, pumunta siya sa helipad pero nagulat siya nang makita si Ismael.
"K—Kuya..."
"Hi. Naliligo ka pa raw kanina kaya dumiretso na ako rito," nakangiting sabi ng binata at isinuot ang hawak na sunglasses.
"Uuwi ka rin po pala," mahinang sabi niya at naupo sa tabi ng binata.
"Oo, libre lang naman kaya makisabay na ako sa 'yo."
Tumango ang dalaga at niyakap ang backpack. Ilang araw lang naman silang hindi nagkita pero bakit parang gusto niya itong yakapin dahil sa tuwa? Umiling siya. Hindi dapat na ganito ang nararamdaman niya. Dapat mag-focus siya sa ibang lalaki o sa ibang bagay at hindi sa nararamdaman niya para dito.
Buti na lang dahil hindi na siya nito kinausap hanggang sa makarating sila sa Nueva Vizcaya.
Nauna siyang bumaba at dali-daling naglakad patungo sa gate ng bahay nila.
"Fuchsia?" Napakagat siya sa ibabang labi nang marinig ang pagtawag ni Ismael. "Mamayang hapon, baka gusto mong magpalipad ng saranggola?"
Huminga muna siya nang malalim at humarap sa binata. "Titingnan ko po kapag wala akong gagawin."
"Hintayin kita."
"Hindi ako sigurado."
"Sa ilalim lang ako ng duhat."
"Pero—" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang talikuran siya ng binata. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. "Hindi kita sisiputin!" bulong niya at binuksan ang gate saka nilapitan ang inang nagdidilig ng halaman. "Nanay!"
"Si Green Maroon at Orange?"
"Gagawa ng thesis si Green Maroon at si Orange naman po ay ewan ko sa kanya! Ayaw sumama eh," sagot niya at humalik sa pisngi ng ina tapos pumasok na.
Dumiretso siya sa kuwarto at nagpalit ng damit tapos lumabas ulit at tinulungan ang ina.
"Kumusta ang pag-aaral?" tanong ni Ayesha.
"Okay lang po. Kaya naman."
"Good."
"'Nay? Ayaw mo na ba talagang magtrabaho?"
Tumigil si Ayesha sa pagdidilig at hinarap siya.
"Alam mo namang masaya na akong kasama kayo, 'di ba? Sapat na sa akin na kayo na lang ang inaalagaan ko."
"Pero masaya ka ba talaga?"
Ngumiti si Ayesha. "Oo, masaya ako. Walang mas mahalaga sa akin kundi kayo."
"Kapag ba ayaw ng mapapangasawa ko na magtrabaho ako, paano na? Susundin ko ba siya?"
Natawa si Ayesha.
"May boyfriend ka na ba?"
Umiling siya pero agad na sumagi sa isip niya si Ismael.
"Wala po."
"Depende sa pag-uusap. Naniniwala naman akong susuportahan ka ng lalaking mapili mong pakasalan."
"Pero kailangan ko pala munang maghanap ng boyfriend," natatawang sabi niya.
"Wala bang nanliligaw sa 'yo?"
Umiling siya. "Wala na," sagot niya. "Hindi naman sila nagtatagal eh. Kapag tarayan ko lang, agad na umuurong."

BINABASA MO ANG
Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)
RomansaBata: Kuya? Gawan mo po ako ng saranggola tapos sabay ulit tayong magpapalipad. Kuya: Basta ipangako mo na hindi mo bibitiwan ang pisi, okay? Bata: Kaya ko lang naman po binitiwan kahapon dahil malakas ang hangin at sobrang sakit na po ang mga kamay...