22

2.2K 198 26
                                    





Unedited...





"Nasa labas ang manliligaw mo," sabi ni Chaeya nang pumasok sa condo dahil nagtapon ng basura.

"Si Kuya Ismael?"

"May iba pa ba?"

"Waaah! Seriously?" bulalas niya. "Ano ang hitsura ko? Mukha ba akong—"

Napatigil siya sa pagsalita nang makitang papasok si Ismael na may dalang pizza at 3 pink roses.

"Hi," nakangiting bati ni Ismael.

"H—Hindi ka nagpasabing dadalaw ka," sabi niya na na-conscious sa suot lalo na't kakabangon lang niya sa kama at magulo pa ang buhok.

"May gagawin lang ako sa kuwarto kaya iiwan ko muna kayo," paalam ni Chaeya.

"Maupo ka," sabi niya at itinali ang buhok.

"Para sa 'yo," sabi ni Ismael at inabot ang pizza saka three pink roses. "Alam kong marami na kayong flowers pero sana tanggapin mo pa rin ito."

"Oo naman po," sagot niya at ngumiti saka inamoy ang hawak na bulaklak. May hardin naman sila at araw-araw ay nakakakita ng bulaklak pero bakit kakaiba pa rin ang feeling na hawak niya ang bulaklak na bigay ni Ismael.

"Gusto mo na ng pizza?" tanong ng binata.

"Huwag na po. Mamaya na."

"Kumusta ang klase?"

"Okay lang po."

"May assignment ka pa ba?"

Umiling siya.

"Gusto mong mamasyal tayo sa labas?" tanong ng binata. "5:30 p.m pa lang naman. Tara, bili tayo ng isaw."

"Sure! Bihis lang po ako."

"Huwag na, maganda ka naman kahit 'yan lang suot mo."

"T—Talaga?" nauutal na tanong niya. Kainis ang puso niya! Simpleng compliment lang, nagwawala na naman siya.

"Oo naman. Let's go."

Hindi na siya nagbihis at sumama na kay Ismael sa labas. Ang dami niyang nakain na isaw at barbeque.

"Dinner tayo."

"Huwag na po. Busog na ako."

"Sure ka?"

"Hmm? Lutuan mo kaya ako? Alam kong masarap kang magluto ng inabraw na hipon at gulay."

"Sure. Tara, balik tayo sa condo mo."

"Nandoon na 'yon si Axl," naka-pout na sabi niya nang mabasa ang text ni Axl sa groupchat nila na pupunta ito.

"Sa condo ka na lang pumunta. Ihahatid kita mamaya," sabi ni Ismael. "Tamang-tama, kakabili ko lang ng hipon kanina."

"May gulay ka?"

"Daan tayo sa Savemore, bukas pa naman."

"Okay po," pagpayag ni Fuchsia at sumama kay Ismael patungo sa sasakyan nito.

Dumaan muna sila sa Savemore para mamili ng lulutuin. Nagpabili rin si Fuchsia ng Toblerone sa binata dahil nasusuka siya sa kinaing isaw.

"Kapag masobrahan ako, nasusuka talaga ako," sabi niya.

"Napwersa kasi ang tiyan mo. Dapat dahan-dahan lang sa pagkain lalo na't alas diyes pa pala ang huli mong kain," sabi ni Ismael at napasulyap sa dalaga habang nagmamaneho pauwi sa condo niya.

"Masarap eh," depensa ng dalaga.

"Sus. Sa weekdays, mag-ihaw tayo. Gusto mo?"

"Basta tayong dalawa lang," ani Fuchsia.

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon