Unedited...
"Ouch!" daing niya nang mapadaan sa gilid ng court pero natamaan ng bola sa braso kaya natumba siya.
"Sorry, miss!" paumanhin ng lalaking nakatayo sa harapan niya na hawak na ang bola. "Nasaktan ka ba?" Inilahad nito ang kamay pero tumayo si Fuchsia at sinamaan ng tingin ang lalaki.
"Tinamaan ako ng bola tapos natumba ba, malamang hindi ako okay!" prangkang sagot niya at inagaw sa batchmate na hindi niya kakilala ang bola saka gigil na itinapon sa mukha nito kaya napa "oh" ang mga estudyante.
"Sorry, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Fuchsia pero nakataas ang kanang kilay.
Sa halip na mainsulto, napangiti ang lalaki. "Yes, I'm definitely fine. Gusto mo, isa pa?"
"Whatever!" pagtataray ng dalaga at tinalikuran ito. Medyo napahiya siya dahil sa pagkatumba. Wala kasi siyang cycling shorts kaya baka nasilipan siya? Mukhang hindi naman.
"Fuchsia!" tawag ng lalaki at hinabol siya saka hinarangan ang daan.
"What?" pasinghal na sagot nito.
"Your pen," sagot nito sabay bigay ng nahulog niyang ballpen na inilagay sa bulsa.
"How do you know my name?"
"At paano ko hindi malalaman? Kilala ka ng lahat ng estudyante rito sa Kayapa National High School," sagot nito at matamis na nginitian siya. Ito lang yata ang lalaking kumausap sa kanya ng ganito lalo na't hindi pa niya kilala. Siguro dahil nasa lower section ito at wala naman siyang paki? Isa pa, mataray siya at dagdagan pa ng kakambal niyang germs ang tingin sa lahat.
Iginala niya ang paningin. Nailang siya nang pinagtitinginan sila ng mga estudyante.
"Oops, sorry. Hindi ka yata sanay na makipag-usap," sabi nito.
"Buti at alam mo!"
"I see. I'll send you letter na lang."
"H—Ha?"
"See you around, Fuchsia." Iniwan na siya nito ay bumalik sa court.
Ipinagpatuloy niya ang paglalakad at napalingon sa lalaking nakipag-usap sa kanya. Matangkad ito at may kapayatan. Sigurado siyang transferee ito o hindi lang niya naging school mate noon sa Macdu elementary. Isa pa, nagtatagalog ang mokong.
Malapit na siya sa classroom nang makitang nakatayo sa labas ng pinto si Green Maroon.
"Alcohol," alok nito kaya napangiwi siya.
"Tigilan mo nga ako!"
"Madumi ang bola dahil ilang kamay ang nakahawak nito kaya mag-disinfect ka." Ini-spray-han nito ang balikat niya kaya mas lalo siyang nainis at malakas na hinampas sa balikat ang kakambal.
"Isa pa at sasak—aaah! Ayaw ko na!" tili niya nang kilitiin siya ni Green Maroon. "A—Ano ba? Help!"
Natatawa siya na napipikon na. Tuwang-tuwa naman si Green Maroon sa ginagawa at pang-aasar sa kanya kaya naghabulan sila sa loob ng classroom paikot sa mga kaklase nila.
"Ayaw ko—hahaha!" tawa siya nang tawa nang mahuli siya ni Green Maroon at kiniliti sa leeg. "Andiyan na ang teacher!"
Nakita rin ng kakambal kaya tumigil na ito at bumalik sa pwesto nila.
Sumagap muna siya ng hangin at pagod na naupo tapos sinimangutan ang kakambal na sumeryoso na ang mukha.
Nang matapos ang klase, cleaners silang kambal kaya nahuli silang lumabas ng classroom.
BINABASA MO ANG
Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)
RomantizmBata: Kuya? Gawan mo po ako ng saranggola tapos sabay ulit tayong magpapalipad. Kuya: Basta ipangako mo na hindi mo bibitiwan ang pisi, okay? Bata: Kaya ko lang naman po binitiwan kahapon dahil malakas ang hangin at sobrang sakit na po ang mga kamay...