24

2.2K 206 50
                                    













Unedited....















"Kuya, tabi na tayo," tawag ni Fuchsia nang mahiga sa couch ang binata.

"Okay lang ako rito."

"Tabi tayo!"

"Huwag na, maliit lang ang kama ko."

"King sized bed 'to kaya kasya tayo."

"Matulog ka na kasi!" Pinatay na niya ang ilaw pero binuksan naman ni Fuchsia ang lampshade.

"Hindi ako matutulog hanggat hindi ka tumatabi sa akin!"

"Fuchsia naman."

"Bahala ka."

"Okay!" Tumayo siya at lumipat sa kama saka patalikod na nahiga sa tabi ni Fuchsia pero naramdaman niya ang pagyakap nito sa bewang niya kaya napabuntonghininga ang binata.

"Ang bango naman ng boyfriend ko," puri ng dalaga at isiniksik sa mukha sa malapad na likod nito. "Love mo 'ko?"

"Oo naman. Tulog na tayo babygirl."

"Sure, babyboy."
Muntik nang matawa si Ismael sa tawag sa kanya ng kasintahan. "Mula ngayon, babyboy na ang tawag ko sa 'yo ha."

"Good night," wika ng binata at ipinikit ang mga mata saka pilit na pinapaniwala ang sariling unan ang nasa likuran niya.

"Wala ba akong goodnight kiss, babyboy?"

"Matulog ka—mahulog ka!" saway niya at niyakap ang dalaga para hindi mahulog sa kama nang bigla itong nag-roll sa ibabaw niya at lumipat sa harapan niya.

"Kiss ko!"

Para wala nang gulo, hinalikan niya ito sa kanang pisngi.

"Sa lips."

"Fuchsia!"

"Gusto ko sa lips! Ayaw mo ba?"

Yumuko siya saka mabilis na ginawaran ang mga labi ng dalaga pero hinampas siya nito sa balikat.

"Ba't ang bilis? Gusto ko french kiss."

"Haist!"

"Ayaw mo? Doon ka na lang kay Natasia na kung kanino nagpapagamit!"

"Hindi mo ako—"

"Bata pa rin ba ang turing mo sa akin? Dalaga na ako at pwede na akong halikan! Kung talagang kasintahan ang tingin mo sa akin, dapat iparamdam mo iyon!"

"Try to understand me naman."

"Ikaw ang umunawa sa akin, Ismael!"

"Fuchsia!"

"Dalawa lang ang naging girlfriend mo, 'di ba? Si Natasia na nagtatalik kayo at ako! Kung naiparamdam mo sa kanya na gusto mo siya, bakit sa akin hindi? O baka naman hindi ako kaakit-akit sa 'yo dahil bata pa ako? Mahal mo ba ako o pinapaniwala mo ang sarili mong mahal mo ako dahil iyon  ang pinagsasabi ng ex mo?" mahabang sabi niya pero nanatiling walang imik ang binata. "Ah, baka naman inlove ka pa sa kanya pero dahil patay na patay siya sa ex niya, kaya ako ang naging panakip-butas mo!"

Isang mahaba at malalim na buntonghininga ang pinakawalan ng binata.

"Huwag kang isip-bata kung ang tingin mo sa sarili mo ay dalaga na. Ipikit mo na ang mga mata mo at matulog ka na." Seryosong sabi ng binata at tumalikod sa dalaga.

"First day at first night natin pero pinaparamdam mo na hindi mo ako mahal! Break na lang kaya tayo!" bulyaw niya sabay hampas sa likuran ng binata.

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon