chapter 7

1.7K 171 33
                                    






Unedited...  







"Morning," nakangiting bati ng binatilyo.

"Hindi na ako natutuwa sa 'yo!" inis na sabi niya dahil nakaharang ito sa harapan niya pero nagtataka siya nang may iabot sa kanya na papel.

"Pagod na akong magpabigay pa kay Khielenrox kaya ako na mismo ang magbigay," nakangiting sabi nito kaya natigilan si Fuchsia at napatitig sa hawak nitong papel. "Medyo nakakahiya lang kapag hindi mo ito tatanggapin."

Pero hindi nga inabot ni Fuchsia kaya itinago niya sa bulsa. "Kabisado ko naman kaya okay lang. Hello, isang magandang umaga para sa akin lalo na't nasisilayan ko na naman ang matapang mong awra. Ang yong mga mata'y tila isang bituin sa kalangitang nag-aabang ng dilim para magningning. Unang kita ko pa lang sa 'yo, alam kong ikaw na ang aking sinisinta. Mura man ang isipan pero ang puso ko ay alam na alam na iniibig na kita."

Naasiwa si Fuchsia lalo na't may mga nakarinig sa kanila at napatigil din.

May kinuha itong fuchsia pink na rosas sa likod saka inabot sa kanya.

"Hayaan mong ligawan kita."

Nagtilian ang mga estudyante at napatalon pa ang iba sa kilig.

"H—Hindi kita kilala," nahihiyang sabi ng dalaga na napilitang tanggapin ang bulaklak. She loves flowers at hindi niya pwedeng baliwalain ito lalo na't plantito at plantita ang pamilya niya. Alam niya kung gaano kahirap magpatubo, mag-alaga at magpalaki ng mga bulaklak.

"Axl John Gayeta," pagpakilala ng binatilyo at yumukod. "Ang umiibig sa iyo, señorita."

"Okay!" sabi niya at agad na tinalikuran ang binatilyo dahil male-late na sia pero napatigil nang makita sina Orange at Green Maroon na hinihintay siya. "H—Hindi naman ninyo ako isusumbong kay Tatay, 'di ba?"

"Uy, dalaga na si Ate," tukso ni Orange.

Grade 8 pa lang naman ang kambal. Secon year high school kung susundin ang lumang curriculum habang si Orange naman ay grade 7.

"Bata ka pa," sabi ni Green Maroon. "Pero hindi naman namin mapigilan silang hangaan ka. Siguraduhin mo lang na huwag ka munang mag-boyfriend dahil bawal pa talaga."

Sunod-sunod na tumango si Fuchsia at sinundan ang dalawang kapatid. Si Orange ang pilyo sa kanila, mahilig sa sports at palakaibigan kaya marami rin namang nagkakagusto rito.

Nang pumasok sila sa classroom ay tinukso siya ng mga kaklase.

"Uy, guwapo kaya ni Axl John," kinikilig na sabi ng katabi niyang si Arlene Joy Damaso.

"Huwag mo ngang sulsulan si Fuchsia!" saway ni Green Maroon.

"Bagay kasi sila ni Fuchsia," wika ni Arlene Joy.

"Bagay o hindi, bawal pang mag-boyfriend ang kakambal ko!" naiinis na sabi ni Green Maroon kaya bumalik na sa upuan nito si Arlene Joy.

Napatingin si Fuchsia sa bulaklak. Ngayon lang na may lalaking naglakas ng loob na lapitan siya para tahasang sabihin na gusto siya nito. Medyo ayaw lang niya kay Axl dahil halata namang ang hangin nito at masyadong bilib sa sarili.

-----------

"May bisita ka," sabi ni Purple. "Nasa baba si Kuya Ismael."

"Sabihin mong masama ang pakiramdam ko!" sagot niya at muling ibinalik ang mga mata sa laptop. Masama pa rin ang loob niya rito kahit na wala naman itong kasalanan sa kanya.

Hindi niya sinipot kahapon sa burol at hindi rin niya sinagot ang tawag matapos nitong magtext na nasa burol na ito. Idinahilan na lang niyang masama ang pakiramdam niya kaya hindi siya makalabas.

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon