19

1.9K 205 36
                                    





Unedited....








"Sa condo ka ba matutulog?" tanong ni Chaeya nang nasa tree park na sila.

"Hindi ba ako makakaistorbo?" pataray na sagot ng kaibigan kaya napangiwi si Chaeya. "Fuchsia."

"Kapag mabuntis ka, wala akong pananagutan diyan!"

"S—Sorry," sincere na paumanhin ni Chaeya. Sinubukan naman niyang pigilan pero si Axl, naging makulit at dahil mahal niya ito at sigurado naman siya, ibinigay na niya ang sarili rito.

"Kaibigan ko si Axl pero hindi pa rin ako sure sa kanya para sa 'yo," pag-amin ni Fuchsia. "Kilala natin siya at ewan ko. Hindi pa ako okay sa family niya para sa 'yo. Sana hindi ka nila awayin kapag malaman nilang ikaw talaga ang girlfriend niya."

"I—Ipaglaban naman daw niya ako."

"Hindi pa natin nasubukan!"

Napaupo si Chaeya sa bench at napabuntonghininga.

"Sana kasing yaman mo ako," wika niya. "Eh 'di sana tanggap din nila ako."

"Chaeya," usal ni Fuchsia.

"Ang unfair ng mundo, Fuchsia. Kung sana lahat ng tao ay mayaman, eh 'di sana masaya." Hinarap niya si Fuchsia. "Ano ang feeling na maging mayaman? Masaya siguro dahil nakukuha mo ang gusto mo at lahat ay gusto kang maging kaibigan. Lahat ay sasang-ayon sa 'yo dahil mapera ka."

"Hindi masaya," usal ni Fuchsia at mapait na nginitian ang kaibigan.

"Hindi masaya? Paanong hindi masaya? Eh nakukuha mo ang gusto mo."

"Hindi masaya dahil napapalibutan ako ng mga pekeng tao. Dahil kagaya ng sabi mo, marami lang akong kaibigan dahil mapera ako. Na nakukuha ko ang gusto ko dahil mapera ako. Sa ating dalawa, alam mo ba kung ano ang pinagkaiba?"

Nagtatanong ang mga matang napatitig si Chaeya sa kanya.

"Dahil nandito ako para sa 'yo kahit na mahirap ka pero ikaw? Bakit ka nasa tabi ko, Chaeya? Dahil ba kagaya ng sinabi mo, mapera lang ako?" may bahid ng lungkot na dagdag ng dalaga kaya natigilan si Chaeya.

"Of course not! Kaibigan mo ako, Fuchsia! P—Pasensya ka na sa sinabi ko, masama lang ang loob ko dahil hindi ako pwedeng maipagmalaki ni Axl John dahil sa antas ng pamumuhay ko," nahihirapang paliwanag nito.

"Okay lang," ani Fuchsia. "Darating ang araw na pwede na niyang isigaw sa lahat na ikaw ang mahal niya."

"Sana nga," malungkot na sabi ni Chaeya. "So, saan ka na matutulog?"

"Uuwi ako sa bahay mamaya," sagot niya. "Pero kapag mabuntis ka talaga, 'di na tayo bati!"

"Mag-iingat kami, promise."

Tumango si Fuchsia at tumulis ang nguso.

"Ano ba ang feeling na hinahalikan?" curious na tanong niya. "Masarap ba?"

Namula ang magkabilang pisngi ni Chaeya dahil medyo naasiwa pa siya sa kaibigan.

"Basta maranasan mo rin 'yon."

"Hmmp? Twenty na ako pero hindi ko pa 'yon naranasan. Virgin pa ang lips ko," sabi niya at isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan.

"Darating din ang para sa 'yo, maghintay ka lang."

"Ikakasal na si Kuya Ismael."

"Ha? Nag-propose na ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Chaeya.

"Ready na raw siya e. Tapos si Ate Natasia, handa na rin. Hinihintay na lang niyang mag-propose si Kuya," sabi niya pero sobrang lungkot ang mga mata.

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon