"Nakita mo sila no'ng bago niya?" buntong hininga ng kaibigan ko habang malungkot na nakatingin sa 'kin, kapapasok lang namin sa sasakyan ko galing sa mall ng car park na 'to. "Isa ako sa mga umaasa pa ring magkakabalikan kayo, 'e."
Tahimik akong ngumiti.
Pinaandar ko ang makina ng sasakyan bago siya binalingan, "Tingin ko kahit pwede pa siya, hindi na rin. Marami nang nagbago sa 'min pareho."
"Pero 'di ba naghihintay ka pa rin sa kanya?" maktol pa nito, hindi matanggap na may punto ako.
Pinikit ko ang mga mata kasabay ng pagbuhos nang payapang ulan sa labas. Ilang beses pa akong huminga nang malalim bago muling namulat.
"Sa lahat ng nagdaan, sa kanya ko pa lang naramdaman na minsan... minahal ako. Pero hindi na, naniniwala akong may hihigit pa sa kanya, 'yon ang hinihintay ko."
Nagsimula akong magmaneho palabas ng car park nang namataan ko kayong palabas na rin ng mall. Mga salitang gusto pang kumawala'y binulong na lang sa hangin, kalakip ang pangakong hindi ka na muling lilingunin.
BINABASA MO ANG
RIGHT IN THE FEELS (a compilation)
Short Story/rīt in T͟Hə fēls/ An occurrence when something is relatable on a deep level. A compilation of short stories packed with an emotional punch. © 2020 Kali Reigan ALL RIGHTS RESERVED Cover by Angelgrace Lelia @angeliologyyy_
