Bulong sa hangin

10 5 0
                                        

"I think I am starting to fall for her..." pagbasag mo sa katahimikan ng gabi.

Tinitigan kita.

"Magiging masaya ka ba sa kanya?"

Tumitig ka pabalik bago tumango, "Siya ang dahilan ng mga ngiti ko sa bawat paglipas ng araw."

Ngumiti ako.

"Mabuti," bulong ko bago nag-iwas ng tingin, hindi nais ipakita sa'yo ang mga matang unti-unting nahihilam sa luha.

Hindi kita masisisi.

Gusto na kita pero hindi ko inaamin. Gusto kita pero mas makabubuting ibulong na lang sa hangin.

RIGHT IN THE FEELS (a compilation)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon