Barkada

12 4 0
                                    

Nakangisi akong bumalik sa pagkakaupo saka kinuha ang iced tea sa harapan ko at bahagyang sumipsip bago binalingan ang mga kaibigan nating naghihintay sa sasabihin ko.

"His name's Roy. He already added me on my social media account, so just search my friends' list." nagmamalaking sagot ko sa nagtatanong nilang mga mata.

Agad silang naghiyawan sa narinig. Ginamit na naman kasi nila ang tinatawag nilang 'charms' ko pagdating sa pagkuha ng pangalan at social media accounts ng mga lalaking nakikita at natitipuhan nila sa mga lugar na pinupuntahan namin. Napaka user talaga sa kaibigan nilang maganda at malakas ang sex appeal.

"My gosh! You acted as if wala kang camera and just posed there para makuha ang account niya. Paano mo naisip 'yon?" natatawang sabi pa ng isa sabay apir sa dalawa pa nating kabarkada. Lima kasi tayong magbabarkada, tatlo kaming babae at dalawa kayong lalake.

"Well, pagkaturo niyo palang sakin, nakita ko na ang dala niyang DSLR kaya naman iyon ang naisip kong gawin to get his account, so he could send my photos on mine. I told him the cam of my phone isn't working and I'd love to have a photo with that kind of scenery, so..." kibit balikat kong sagot sa kanya bago kita binalingan sapagkat kanina ka pa nananahimik.

Napalunok ako nang magtama ang ating mga mata at bumalandra sa paningin ko ang umiigting mong panga. You look mad at something I have no idea about.

Kumunot ang noo ko sa klase ng tinging ibinibigay mo sa akin. Why are you looking at me like that? Inis ka na naman sa akin? Pero wala naman akong ginagawa!

Ganyan ka nalang lagi umasta sa tuwing lumalabas tayong magbabarkada ng kumpleto at magkakasama. Laging mukhang nagsusungit at inis sa lahat ng kilos na ginagawa ko.

Sa totoo lang, nahihirapan na rin akong pakisamahan ka. Bago tayo naging magkabarkada, alam mong gusto kita. Inamin ko 'yon sayo at binasted mo pa nga ako. Sabi mo, mas gusto mo lang akong maging kaibigan. Hindi mo pa nga itinanggi nang tanungin kita kung mayroon ka na bang nagugustuhan kaya hindi mo tinanggap ang pag-amin ko 'e.

Kaya nga napasama ako sa barkadahan ninyo, at ngayon nga'y mas malapit pa ako sa tatlo kaysa sayo na akala mo'y laging may dalaw kapag nakikita ako. Pinipilit kong ayusin yung pagkakaibigan natin at umastang parang normal na magkaibigan pero hindi ka naman nakikipag cooperate. Ang sungit-sungit mo!

Tinaasan kita ng kilay nang hindi mo pa rin inaalis ang madilim na tingin sakin. Tila ba'y bubutasin ng tingin mo ang buong pagkatao ko kaya inirapan nalang kita.

Pero nagulat kami nang padabog kang tumayo at naglakad papunta sa tabi ko. Akmang hihilain mo ako nang tingalain kita.

"What are you going to do?" takang tanong ko.

Umigting lalo ang panga mo habang nakatingin sakin. "Let's talk. Come with me."

Kinunutan kita ng noo bago tumalima sa gusto mong mangyari. Unti-unti akong tumayo sa aking inuupuan at nagawa ko pang bumaling sa mga kaibigan nating nagtatanong din ang tingin sa atin. I shrugged, also not having any idea what's gotten into you.

Lalo ka atang nairita sa bagal ng kilos ko kaya naman hinawakan mo na ako sa braso saka hinila palayo sa mga kaibigan natin. Halos nakakaladkad mo na ako kaya naman sinubukan kong makawala sa hawak mo.

"Ano ba!? Bitiwan mo nga ako! Saan ba tayo pupunta?" walang talab sa tila bato sa tibay na pagkakahawak mo sa akin ang pagsubok kong makawala kaya lalo akong nainis. "Nakakaladkad ako, ano ba? Parang tanga 'to! Loosen your hold on my arm and slow down your pace kung ayaw mong sapakin ko 'yang panga mong kanina pa umiigting ha!"

Nang tumigil ka sa paglalakad ay narinig ko ang pagdaing mong tila ba'y isang hayop na sugatan bago mo ako binalingan ng mariin na tingin.

Lalabanan rin sana kita ng mas masamang tingin ngunit nagulat ako nang bigla mo akong itinulak nang marahan sa pader sa likuran ko at saka ikinulong sa gitna ng mga kamay mong nakatukod sa magkabilang gilid ko.

RIGHT IN THE FEELS (a compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon