"Sa tingin mo, may buhay para sa atin sa labas?" tumaas ang boses niya sa likod ko kasabay ng pagwagwag ng kamay mula sa aking pagkakahawak.
Nilingon ko ang aking kakambal, ang nag-iisang kasama ko mula nang magkamalay sa lugar na ito. Sa lugar kung saan kami isinilang. Kung saan maihahambing sa kabaliktaran ng langit ang aming buhay, dahil sa kanilang kabaliktaran ng anghel ang katauhan.
Muli kong hinawakan ang kanyang kamay. "Tatakas tayo, kahit anong mangyari."
"Iyon na nga!" umiling siya kasabay ng paghigpit ng kanyang kapit sa kamay ko bago unti-unting bumitaw. "Makatakas ka man, hindi ka pa rin tuluyang makalalaya. Walang buhay para sa atin sa labas dahil hindi mabubura ang mga nangyari sa atin dito sa loob. Kahit ilang beses tayong tumakas, alam mong hindi posible ang paglaya."
Tumulo ang mga luhang hindi pa rin nauubos. Pakiramdam ko'y isa akong kandilang nauupos. Kailan ito matatapos?
BINABASA MO ANG
RIGHT IN THE FEELS (a compilation)
Short Story/rīt in T͟Hə fēls/ An occurrence when something is relatable on a deep level. A compilation of short stories packed with an emotional punch. © 2020 Kali Reigan ALL RIGHTS RESERVED Cover by Angelgrace Lelia @angeliologyyy_
