"May problema ba tayo?"
'Yan ka na naman. Palibhasa ramdam mong gusto kita kaya ka paasa.
Ngumisi ako pero nag-iwas din ng tingin, "Wala. Pinagsasabi mo?"
Ilang buwan na mula noong nahulog ako sa 'yo, pero hindi pa rin ako nasasanay sa dami ng nagkakagusto sa 'yo. Hanggang ngayon, selos na selos pa rin ako kapag may nagpapahiwatig sa 'yo.
Hindi kasi madali sa 'kin 'yon. Mahirap kasing magparamdam kapag kaibigan ang inasam.
"Mukhang gusto ka no'n, 'a? Trip mo rin? Patulan mo na!" hindi mapigilan kong pagngitngit, pilit pinapanatili ang pekeng ngiti sa labi.
Napapikit ako. Ilang beses ko nang pinigilan ang sarili sa tuwing may pinagseselosan. Kung bakit hindi ko na lang itikom ang bibig tulad nang dati ay hindi ko rin alam.
Pagkadilat ko'y nasa harapan ko na ang mukha mo. Nakatitig sa 'kin ang mga mata mo at may munting ngiti naman sa gilid ng iyong labi.
"Tagal ko nang hinihintay yung ganitong reaksyon mula sa 'yo. Sa wakas ba, hindi mo na kayang itago selos mo?" Napatigagal ako kaya't tuluyang kumawala ang ngiting nagtatago sa mga labi mo. "Wala ka namang dapat ikaselos. Gusto nila 'ko, pero anong magagawa no'n kung ikaw naman yung gusto ko?"
Bumaba ang tingin mo sa mga labi ko bago mo binasa 'yong iyo at saka tumalikod at naglakad palayo. Nanlaki ang mga mata ko, ngayon lang tuluyang pumasok sa isip lahat ng sinabi mo.
Dali-dali kitang sinundan, rinig ko pa ang mumunting halakhak mo. Did I hear it right? Crush din ako ng crush ko?! Tang ina, kung panaginip 'to, masasampal ko ang gigising sa 'kin!
BINABASA MO ANG
RIGHT IN THE FEELS (a compilation)
Short Story/rīt in T͟Hə fēls/ An occurrence when something is relatable on a deep level. A compilation of short stories packed with an emotional punch. © 2020 Kali Reigan ALL RIGHTS RESERVED Cover by Angelgrace Lelia @angeliologyyy_
