Baliw

7 1 0
                                        

"Parang nangbabaliw," sang-ayon nitong kaibigan ko.

Na sininghalan naman ng boyfriend niya, "Anong nangbabaliw? Nang-uulol! Hindi mo alam kung ginagago ka ba o gustong ulol na ulol ka lang talaga sa kanya, 'e."

Napahalakhak ako sa kabila ng bigat na nakadagan sa aking dibdib. Malaking bagay sa 'kin 'tong pagdamay ng dalawa sa 'kin ngayon.

Pagkatapos kasi ng nangyari, inisip ko ring baka guni-guni ko lang lahat at wala talagang gano'ng mga pangyayari. Na baka nga gawa-gawa lang ng isip ko at pinaniwala ko lang ang sarili ko. Na nababaliw na nga ako.

Pero dahil naging saksi rin 'tong dalawa sa mga ginawa mo, alam kong hindi ko lang ilusyon lahat nang 'yon. Na may basehan naman talaga kung bakit ako nasasaktan ngayon.

"Ayoko na, gagi," natatawa pa ring sambit ko, kahit wala naman akong maramdamang katuwa-tuwa sa sitwasyon ko.

Katawa-tawa siguro kasi nagmukha akong tanga. Nagmukha na naman akong tanga. Pang-ilan na ba 'to? Sabi ko rin noon ayoko na, 'e.

Wala naman akong ginagawa noong umpisa, pero kaunting galaw ko lang kalaunan, parang ako na bigla 'yong nasa mali. Parang ako na bigla 'yong namimilit. Parang ako na bigla 'yong hibang na hindi alam ang totoo sa hindi. Ang tama at mali. Dapat sa hindi.

"Be..." tawag muli ng kaibigan ko, saka ko lang napansin na pareho na silang nananahimik at nakamasid na lang sa akin. Inaabutan na rin ako ng tissue nitong isa.

Agad akong tumingala. Saka ngumiti. Kahit kabaliktaran ang gustong ipagawa ng isip ko. Kahit puno ng sama ng loob 'tong dibdib ko.

Naturuan mo na ata ako. Na kabaliktaran ang ipinapakita sa itinuturan. Taliwas ang sinasambit sa ipinaparamdam. Hindi tugma ang nakahahalinang kilos sa bawat bitaw ng masasakit na salita.

Nasanay na ata ako. Dahil sa 'yo.

"Ayoko na. Gagi."

This time, I quit on you.

RIGHT IN THE FEELS (a compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon