Tangi

11 3 2
                                    

"Iiwan mo rin ako?" mapait akong ngumiti nang marinig 'yong malumanay na boses. "Hindi mo na kaya?"

Umawang ang labi ko sa dami ng salitang gusto kong isatinig, ngunit wala ni isa ang lumabas.

Tinanaw ko ang mundo sa harapan ko. Maganda. Nakahahalina. Nakatutuwa... para sa kanila.

Itong magandang mundo para sa iba, malupit sa mga taong katulad ko. Lagi akong ginigipit. Tila lagi akong walang pagpipilian. Tila kailangan kong tanggapin na lang at hayaan ang trato nito sa akin. Na parang ako 'tong may ginawang mali. Parang kay laki ng kasalanan ko.

"Kung mabubuhay ka uli, anong gusto mong maging?" tanong uli nitong boses.

Tumigil ang aking paghinga.

"Kung may pagpipilian ako... bakit ko gugustuhing mabuhay uli?" bulong ko, lumandas sa aking pisngi ang saganang luha mula sa aking mga mata kasabay ng aking paghakbang. "Tanging gusto ko lang naman... ay maging masaya."

RIGHT IN THE FEELS (a compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon