April fools

13 5 0
                                    

Nakangisi kang nakatingin sa iyong cellphone. Malapit nang pumatak ang alas dose at naghihintay ka ng reply mula sa huli mong biktima ngayong araw para sa April Fools' — ang iyong tatay.

"Pa, kakukuha ko lang ng resulta. Positibo ka ho sa virus :-(" ang mga salitang ipinadala mo sa kanya higit tatlumpung minuto na ang nakalilipas.

Kumunot ang noo mo. Lagi't lagi namang sumasagot agad ang iyong ama sa kahit anong mensaheng ipinapadala mo ngunit bakit tila natagalan ito ngayon?

Umiling ka bago ngumising muli. Malamang nabigla lang ito sa mensahe mo. Sasabihin mo na bang biro lamang ito?

Isang minuto bago mag alas dose, nagsimula ka nang magtipa ng mensahe.

"Pa, joke lang! April fools! It's a pra—"

Kalagitnaan ng pagtitipa mo ay may natanggap kang mensahe. Mula ito sa iyong kapatid.

"Nasaan ka na!? Si Papa! Si Papa!! Nakita ko na lang ang sulat sa tabi ng katawan ni Papa! Positive raw siya at ayaw niya tayong mahawa! Paanong positive siya? Anong sinabi mo kay Papa!!"

Alas dose, ikalawa ng Abril. Tila tumigil ang ikot ng iyong mundo.





‼️HUWAG GAMITING PANLOKO SA ARAW NA ITO ANG MGA BAGAY NA HINDI DAPAT GINAGAWANG BIRO. Huwag gawing dahilan ang araw na ito upang makapanloko at makapanakit ng ibang tao.

RIGHT IN THE FEELS (a compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon