You're not them

20 5 2
                                    

"Anong ibig mong sabihing wala na?" pangungulit sa 'yo ng matalik mong kaibigan. "Pangatlong manliligaw mo na 'yan this month. Hindi mo man lang pinatagal."

Umiling ka bago naglabas ng canned beer mula sa ref at padarag na umupo sa sofa bago ito tuluyang buksan.

"Wala akong maramdaman," bulong mo sa gitna ng paglagok.

Bumuntong hininga siya bago umupo sa tabi mo. "Paano mo sila mararamdaman kung hindi mo sila hinahayaan?"

Muli kang umiling. "It feels... wrong. Magtatapos lang din, bakit pa sisimulan?"

"Hey," malungkot ka niyang tinignan bago ka ikinulong sa isang mahigpit na yakap. "Hindi dahil nangyari sa iba ay mangyayari na rin sa 'yo. Hindi ka matutulad sa kanila. You're not them... You're not your parents."

Napapikit ka kasabay ng pagbuhos ng saganang luha sa iyong mga mata.

RIGHT IN THE FEELS (a compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon