Someday

13 3 0
                                    

Inspired by: Someday by Léal
(listen to it on the multimedia)

Malayo ang tingin mo habang nakasuot sa magkabilang tenga mo ang earphones na iniregalo ko sa 'yo noong huling birthday mo. Mahina mong sinasabayan ang kantang pinakikinggan, buhok mo'y sumasayaw sa marahang ihip ng hangin.

"Ano 'yan?" bulong ko matapos kuhain ang isang earphone sa 'yo at ikinabit sa 'kin.

Agad mo akong nilingon pero hindi ka nagsalita kaya pinakinggan ko na lang ang kantang kasalukuyang tumutugtog.

"Hoping that I'll be yours someday?" napanguso ako nang maintindihan ang kanta. "In love ka ba? Sinong hinihintay mo?"

Bahagya namang umangat ang gilid ng mga labi mo.

"Ikaw," bulong mong ikinagulat ko bago ka muling bumaling sa tanawin sa ating harapan. "Ikaw kailan ka mai-in love?"

RIGHT IN THE FEELS (a compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon