MPC-12

33 0 0
                                    


Bhel POV

Andito na kami sa NBS agad akong pumunta sa mga istante ng mga "pocket book" adik na adik talaga ako lalo na sa mga "phr" ang ganda kasi, nakakabawas ng stress..

Ana: hey new maid you are so cheap.
     Look this one mas makapal tong mga to kaysa sa mga yan.. mas matagal mo tong matapos na basahin halika lalo tong isa oh ang ganda ng story..

Tawag sa akin ni witch, itinuturo niya sa akin ang isang librong may nakasulat na

WATTPAD presents, ang title ay

The Four Bad Boys And Me
by Tina_Lata

Oo nga ang kapal agad akong nag kainteres sa libro kaya naman agad kong kinuha ang pinapakita ni witch at binasa to..

.waahh ang ganda naman, nakaka excite ibang iba to sa mga "pocket book" napaka simple lang pero na pakamisteryoso ng kwento..

Bibilhin ko na to, agad kong tiningnan ang presyo at..

Ah?? 195.00 pesos?? Ang mahal, ilang pocket book na ang mabibili ko sa presyong ganun tsk. Hindi naman kasi ako mayaman na handang bumili ng ganyan ka mahal :-(

Better lucks next time na lang, so bumalik ako sa stall ng mga pocket book at nagbasa..

Huhuhu bakit ganun??

Bakit kapag nagbasa ako ay sumisingit bigla yung story nung librong "mahal" tsk makaalis na nga.. sa susunod na lang ako bibili ng mababasa.

Ako: witch, tara na baka maiwan tayo ni Mama.. :-(

Ana: oh bakit ganyan ang itsura mo new maid?? Teka lang may bibilhin lang ako hintayin mo na lang ako sa labas k :-)

Oo nalimutan ko pang sabihin na kapag ngumingiti si witch ay hindi na plastik, kundi bakal na hahaha..

Joke, kumbaga "ngiting totoo na".

Tumalikod na ako at lumabas, doon ko na lang hintayin si witch. Makapaghanap nga ng poging boylet hahaha.. naalala ko na naman bigla si Mama..

Cecilia you breaking my heart
You shaking my confidence daily
Oh Cecilia im down in my knees
Im begging you please to come home

Ai may tawag ako, kanina pa to di ko na sagot kanina kasi nga nagkabangga kami ni--- ai hindi ko pala natanong yung pangalan niya..

Di bale, kinuha ko na yung cp ko at tinignan kung sino ang tumatawag sa akin.

Mama calling

.

Speaking of my beautiful mother hehehe.

Ana POV

SIguro nagtataka kayo kung bakit ganun na lang ang pakitungo ko kay new maid??

Actually di ko rin alam e, nung una ang plano ko ay makikipagkaibigan ako sa kanya at kapag may nasagap akong masama na panlaban sa kanya ay doon ko siya aawayin at mapaalis na siya ng tuluyan sa pamamahay namin..

Pero nagkamali ako, hindi na ako magtataka kung bakit marami ang nagmamahal kay new maid, isa siyang simpleng babae,mabait,magalang at pranka. Hindi mahilig makipag plastikan kung may hindi man siyang nagugustuhang bagay ay walang pa hiyahiya niyang pinapranka..

Hanga ako sa kanya, bukod sa masipag siya. Napagka alaman kung mapagmahal na anak at ate siya sa pamilya nila..

Imbes na pagpapanggap ay tinotoo ko na lang na kaibiganin siya, tama nga sina Manang Lucia, ano nga ba ang mawawala kung magpakabait ako.. imbes na mawalan ako ay dadami pa ang magmamahal sa akin.

Pero syempre mataray pa rin ako kaya hindi talaga mawala ang bangayan sa pagitan namin ni new maid, ang pinagka iba lang kasi ay imbes na mag sabunutan kami ay nag aasaran lang kami at pagkatapos nun ay mag ngingitian kami at ayun bati na kami. Para pala kaming timang hahaha.

Bakit kaya yun malungkot at himala wala siyang binili maski isang libro..

Ay gumana na naman yang pag kuripot nun..

Binili ko na lang yung librong pinakita ko sa kanya. Dalawa yun kasi nahati sa dalawang part ang libro. Tutal maganda to at ipapahiram ko sa kanya para di na siya malungkot..

Ewan ko ba pag nakikita ko siyang malungkot ay pati ako bigla bigla na lang ding nalulungkot..

Kakaiba ka talaga Jane Bhel Lopez...

--------------------------------------
Ms.. J: favorite kong story yang "the four bad boys and me" kaya ayun gusto ko lang ishare at fyi talagang bumili ako nung book nyan..
Salamat po blue_maiden kc isa kayo sa ini idolo kong author at dahil dyan dinidecate ko tong chapter na to sa iyo hehe sana magustuhan nyo po thanks...

"MY PRINCE CHARMING"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon