Part 2 (RE_ _ _L)
Jacob POV
Oh ano na naman ang problema mo ms J? Bakit may POV na naman ako ah??
(Ms. J: naging character ka pa kung wala ka namang silbi!! Alah sige dumada ka na nga diyan wag mo akong matanong tanong kung "bakit" kasi kanina pa ako umay na umay sa salitang yan tsk!!)
Wow,siguro "meron" ka nu ms. J??
Ang init naman ng ulo mo hahaha oi si Ms. J.. may Red cross!! Hahaha
(Ms. J: ulol! Tumigil ka nga *nahihiya*)
O bakit nag blublush ka ms.j?? Dont tell me nasa mukha na pala ng mga babae ang "red cross" ngayon..*smirk*
(Ms. J: shut up!! At kung sino mang engkantong sumapi sa pangangatawan ni Jacob, lumayas ka na ngayon din kung ayaw mong ipa salvage kita sa may kanto mamaya!!)
Wahahaha hahahaha laughtrip ka ms. J, ikaw ata ang sinapian e hahaha
(Ms. J: yung totoo?? Da ja vu ka lang? At wow ah marunong ka rin palang "humagalpak ng tawa" sa malas ko lang ako pa ang napili mong pagtripan. Thanks ah ginawa mo akong kakatawanan, ge enjoy mo lang yang pangbabara at pangaasar mo sa akin hanggang sa maubusan ka na ng hininga. Ba bye na nga pina pa highblood mo ang beauty rest ko.. ciao!!)
Hala!! Huwebes na huwebes ms. J, nanenermon ka na?? Hindi makapaghintay ng linggo??
Okay, tama na nga ang pangaasar ko sayo ms. J. Alam mo naman na kahit ganito ako love kaya kita/ namin.
Andito ako sa likod ng bahay nina Bhel, kanina napadaan ako sa may duyan at nakita ko sina Nairde at Bhel na magkadikit ang noo..
Siguro naghalikan ang mga yun, ito talaga si Nairde ang kapal ng TABA sa katawan para halikan ang CRUSH ko tsk..
Oo inaamin ko na readers kahit ganito ako at binansagang kj king, kahit pa'no marunong din akong magkagusto at magmahal..
Isa lang kasi ang alam ko sa ngayon, gusto ko si Bhel.
Si Bhel kasi yung tipong madali lang mahalin. Napa kasimple niya at kakaiba. Hindi siya yung babaeng maarte at mahinhin, yung kumbaga maganda siya kahit saanggulo..
Okay move on na tayo sa love life ko kuno.
Tungkol naman sa family relations,bukod sa nagkaroon ako ng kakambal na maluwang ata ang turnilyo sa utak ay wala na akong ibang mahihiling pa kundi nagpapasalamat ako kasi mayroon kami ni Marky na mga magulang na palaging nasa tabi namin at ginagabayan kami palagi. Hindi kami pinapabayaan, kahit busy sila sa business ay mayroon namang linggo na inilalaan nila sa family bonding. Minsan nga namamasyal kami buong pamilya tapos wala talagang istorbo na business call kuno..
Siguro isa lang ang gusto niyong malaman sa akin mga readers nu??
Kung bakit nga ba ang tahimik ko at kj....
Ganito kasi yan,unang una ang cool kaya ng ganung tao. Yung mga silent guy ay yun talaga ang mga totoong gwapo...
Hahaha, biro lang..
Ewan ko ba kung bakit ako ganito, ipinanganak ata akong ginto ang laway ko kasi ayaw kong masayang??
Aiyzt ang gulo ba??
Ako din e naguguluhan..
Hala sige bahala na kayong umitindi basta ako matutulog muna..
Isa pa sa dahilan kung bakit madalas ay tulog ako ay gusto ko lang kasi na magisip at manahimik muna kumbaga yun ang excuse ko para makapag isip ng maayos..
Kung hindi nyo parin gets
Bahala kayo basta ako nagpaliwanag na kung bakit ako ganito..
Oi wag ka kahit ganito ako katahimik, pagdating naman sa mga problema ay asahan mo andito lang ako at dadamayan kita..
Oh yan ah, ito yata ang pinakahaba kong POV
Sana okay na yang sagot ko, ge tulog muna ako bye!!
:-)
Marky POV
Hello readers, andito na naman ang mahal na tourguide ni ms. J...
The one and only
Marky...
Hahaha
Btw nagiimpake na kami ng mga gamit namin ngayon.
Babalik na kasi kami sa Maynila, nakakalungkot ngang isipin eh gusto ko pang mag stay dito pero kailangan na kasi naming umuwi...
Pero okay lang ito naman yung bakasyon na pina ka gusto ko sa lahat kasi mas tumibay pa ang pagkakaibigan namin. At nadagdaan pa ito ng isa..si Bhel..
Wala na akong ibang mahihiling pa maliban sa masayang pamilya at kaibigan. Kahit na ganun ang kakambal ko, puno ng ka kj han, wag ka mahal ko yun..
Ito na nga, pagkatapos ng walang hanggan na pamamaalam ay nasa byahe na kami ngayon..
Kasama namin yung kaibigan ni Bhel na si Lacy.. magbabakasyon daw siya dun sa tita niya sa Maynila. Pinilit niya pa si kuya Calvin na kung pwede ay sumabay na lang siya sa'min para tipid pamasahe daw.
Nung una ayaw pa ni kuya Calvs, pero nung binugbog niya ito ay ayun napapayag niya hahaha kawawa talaga si kuya Calvin..
Siguro lahat ng kaibigan ni Bhel ay mga BRUTAL..
Ito kasi si Lacy, kung gaano ka loka loka at brutal si Bhel mas x3 siya..
Ganito seating arrangement namin ngayon
Manong Driver_____ Ako
Ana_____Nairde_____ Jacob
Kuya Calvin___Lacy____ Bhel
---------------------------------------------------
Mga gamit namin
Oo ewan ko ba dito kay kuya Calvs kung bakit gusto niya sa likod..
Di ba ayaw niya ng maingay??
Pero dahil ata kay Lacy ay pinili niyang tabihan ito.
Hmm i smell something fishy!!
Dumadamoves si kuya Calvs ah hahaha pasimple pa siya.
Diba tahimik lang yan,kagaya ng kakambal ko na pipi ay ewan ko ba kung bakit ang lakas niyang mang asar ngayon.
Kahit gaano niya asarin si Lacy ay binabara naman siya nito.
Silang dalawa ata ang pinakaingay sa byahe..
Si Ana my loves ko ay tahimik lang na nakatingin sa may bintana, ang lalim ng iniisip niya ah..
Si Jacob naman, my twin.
Ayun ang lupit ng tainga kasi kahit ang ingay na ng apat ay ayun tulog mantika. Palibhasa naka headset at shades pa, walang pake talaga sa pangyayari..
Si Nairde ay kakampi si kuya Calvs sa pangaasar kay Lacy. At ito namang si Bhel ay back up naman ni Lacy sa pambabara sa dalawang lalaki..
Grabe ah ang ingay nga naman ng byahe.. hindi ko kasi kayang makipagsabayan sa kulitan ng apat sa di malamang dahilan..
Oo hyper akong tao pero ngayon ko lang napagtanto na kapag yung mahal mo ay wala sa mood pati ikaw ay mawawalan na rin ng gana..
Oo mahal ko talaga si Ana, akala ng lahat nagbibiro lang ako. Pinaniwala ko lang sila na kunwari lang kasi di ko kaya na malaman pa nila ang katotohanan dahil alam ko naman na one sided love lang ang maging kahihitnatnan ko.
Sige readers minsan lang ako mag emote pagbigyan niyo na ako
Wala talaga ako sa mood ngayon..
Ang haba naman ng byahe namin ngayon...
Tulog muna ako ah, pipilitin ko kahit ang iingay ng mga kasama namin.
Ginaya ko ang style ng kakambal ko na mag headset at magshades. Itinodo ko na ang volume para wala talaga akong marinig..
Effective nga!!
BINABASA MO ANG
"MY PRINCE CHARMING"
Teen FictionOh My Prince Charming!!! BTW, i'm Jane Bhel Lopez, isang probensyana na hanggang ngayon ay naniniwala pa sa mga Ideal Prince Charming. Tara at samahan nyo ako na hanapin siya. Pa'no kung sa paghahanap ko sa kanya ay marami pa akong matuklasan tungk...