MPC-33

6 0 0
                                    

The truth behind the past
part 3

LOPEZ FAMILY

Normal POV

May mag asawang hindi binabiyaan ng anak.. Sina Carding at Carmen.. Lahat na lang ata ng "bagay" na gawin para lang mag kaanak ay ginawa na nila..
Pero wala parin..

Hanggang isang gabi ay kung saan malakas ang ulan at kumikidlat pa. Pauwi na silang mag asawa galing sa pagtitinda ng balot ng may nakita silang isang batang babae na nakahiga sa tabi ng daan at duguan..

Hindi alam ng mag asawa kung ano ang gagawin at nag panic. Buti na lang at dumating ang kumare nila at tinulungan sila..
Pero biglang

Huhuhuh hu wahhhh!!!

Biglang kinalibutan ang apat dahil baka multo tong napulot nila..
Labis na namutla ang apat,hindi dahil sa lamig kundi dahil sa takot samahan mo pa ng may biglang naramdaman silang nasa likuran nila at naka puti pa ito..

Tulong po!!!!

Nang biglang nagsalita ang batang babae na tantiya nila ay kasing edad ng batang babae na karga ni Carding..

Ahhhhhhh!!!

Dahil sa takot ay nagunahan sa pagtakbo ang mga to at nabitawan na lang ni Carding ang batang babae..

Pupulutin na sana ni Carding ulit ang bata ng biglang
TUMAYO ang bata at naglakad na parang zombie kaya naman dali din siyang humabol sa kasamahan...


Malayo layo na sila pero hindi pa rin nawawala ang dalawang bata na nakasunod pa rin sa kanila...

Biglang nawala ang takot nilang apat ng biglang nagtawanan ang dalawang bata na parang walang sugat. Panay na nagkwekwentuhan ng kabaliwan, hindi nila pansin nakahinto na silang apat at matyagang hinintay ang dalawang bata na kahit sugat sugat na ay panay pa rin ang tawa kahit wala namang nakakatawa..

Huwag mong sabihin na..

Hahahaha ang mga itsura nila nakakatawa.. Hahaha laughtrip talaga grabe!!
Sabi nung batang naka pula don sa batang nakaputi..

Oo nga e pagkamalan ba tayong MULTO hahahaha!!

Labis na nakahinga ng maluwag ang apat dahil hindi naman pala multo ang mga to...
Pero

Bakit di ba nga mga multo na tayo tignan mo oh parehas tayong duguan pero tayong dalawa lang nagkakaintundihan o di kaya naman zombie na tayo at dahil natin hinahabol ang apat na yun dahil gutom na tayo diba??

Ang galing mo talaga tara bilisan natin silang habulin woahhhh!!!

Di makapaniwala ang apat at parang nablangko sila kaya hindi nila namalayan na nasa harap na nila mismo ang dalawang batang parang gutom na gutom ang itsura...
Nahimatay ang dalawang babae dahil sa takot pero ang dalawang lalaki ay nanatiling matatag. Sinabi na lang nila sa kanilang sarili na kung yon nga ang naka laan na tadhana nila then so be it..

Nakapikit ang dalawang lalaki at nagdasal na sana panaginip lang ito...nang biglang hawakan silang dalawa ng dalwang bata at sinabing














Hahahahahahaha!!!

Naghihintay ang dalawang lalaki na kagatin sila nang dalawang batang babae pero bagkos matakot ay napa balikwas ang dalwa ng biglang tumawa ang mga batang babae..




Hi po mga uncle, nagbibiro lang po kami. Hindi po kami multo at hindi po zombie hahaha

Biglang sabi nung batang naka puti..

Kaya lang namin kayo hinahabol kasi nagugutom na po talaga kami at masakit na po tong mga sugat namin.
Parang awa nyo na po tulungan nyo po kami...

Hindi alam ng dalawang lalaki ang gagawin sa dalawang bata na akala nila ay multo pero hindi pala..


Nang gabi din yun ay nadala nila sa hospital ang dalawa at ipinagamot.. Samantala ay nagising naman ang kanilang mga asawa na labis nagngingitngit dahil sa nangyari. Hindi nila mapatawad ang dalawang bata na pagloloko sa kanila humanda ang mga to...


Makalipas ang isang araw na pamamalagi sa ospital ay nalaman ng apat na parehas itong nag ka amnesia at hindi nila alam ang mga pangalan nila pero may nakita silang mga kwentas na nakasulat

Jane B.. Yung batang nakapula
At yung batang nakaputi naman ay Lucy.

Nakaisip ng masamang balak ang kumare nina Carding. Naisipan nilang akuin ang isang bata at gawin itong alalay.. Oo masama sa kung masama ang pagtrato
Nila rito. Pero agad naman silang napagsabihan na mag asawang Lopez..

Grabe naman kayo kumare at kumpad, mga bata lang yan uso talaga ang kalokohan kaya pag pasenyahan mo na. Kung ganon lang naman pala ang gagawin nyo sa batang yan mauti na lang na sa amin na lang sila..

Sabi ni Carding, parang nasampal naman ang mag asawang kumare nila...

Ilang araw muna nanitili sa hospital ang dalawang bata habang nagpapagaling ay patuloy paring inaalagaan ng magkukumare dahil itinuturing na talaga nila itong mga anak.

Samantala ang mag asawang Carmen at Carding ay taos pusong tinanggap ang batang babae na pinalanganan nilang Bhel.. Jane Bhel Lopez...

Hanggang makalipas ang mga taon ay nabiyaan naman ng mga anak sina Carmen at Carding, hindi nga lang nila mga totoong anak kasi hindi nga sila makabuo diba? Ang nangyari lang naman ay bawat taon na lang kasi sila nakakakita ng mga batang pakalat kalat sa daan kaya imbes na pabayaan ay kinupkop ng mag asawa ng taos puso. Nakabuo sila ng masasayang pamilya pero puno ng takot at saya kasi panu na lang paglaki ng mga to?? Mabubuhay kaya nila ng maayos ang mga batang hindi naman nila totoong mga anak?? E mahirap lang din ang mag asawang Carding at Carmen..

Ang labis na pag alala ay napalitan ng tuwa nang habang pinagmamasdan nila ang mga to ay napapaisip na lang dila ng  kaya namin to...

"MY PRINCE CHARMING"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon