May 28,2008
Bhel POV
"Taxi,maam? tanong ng isang mamang driver sa'kin pagbaba ko ng bus.
"aiyzt, nasa Maynila na ako, nakapunta na rin sa wakas." ako.
nang maalala ko kung bakit nga ba ako andito sa Maynila?
<<FLASHBACK>>
"Hindi ako papayag, Maynila 'yun.Maraming masasamang tao 'dun,baka mapahamak ka lang. Dito ka na lang sa may Bayan upang mas mapanatag kami ng Mama mo." Sabi ni Papa sa kin. Nagmamasid lang si Mama sa'min pero kita sa kanyang mukha ang pagkalungkot dahil nga mamimiss nya raw ako.
" Eh, 'Pa gusto ko pong makipagsapalaran sa Maynila.Ang bilis ng pera 'dun, yuyuko ka lang kunti ay magkaka-pera ka na.At tyaka 'di naman ako magiging palaboy 'dun,"kasambahay" naman po ang aking papasukang trabaho. Kaya 'wag na po kayong masyadong mag-alala sa 'kin. Since gusto ko po kayong matulungan, nakapag-tapos naman din ako ng highschool.At 'wag nyo pong isipin na naga-tampo ako sa inyo dahil hindi nyo po ako mapag-aral ng collage. Walang big deal po sa 'kin yun, gusto ko lang po talagang makatulong sa inyo ni Mama. Gusto ko rin po maranasan ang kumita ng pera ng sa sarili 'kong sikap. Sana pumayag po kayo 'Ma,'Pa? mahabang sabi ko kay Papa
"At kung pag papalain ay makakapag-ipon ako ng pang-aral sa collage kahit na ilang taon na'ko 'nun, okey lang sa 'kin at least makapagtapos ng pag-aaral sila(tukoy ko sa 'king mga kapatid).dagdag na sabi ko.Akala ko papayag na sila pero hindi. Hanggang sa makalipas ang dalawang araw na hindi ako pinapansin ni Papa at Mama.Nag-apply kasi ako bilang isang katulong sa Maynila sa tulong ng isa kong kaibigan na palihim kasi alam ko na hindi sila papayag. At nung matanggap nga ako ay dun ko na sinabi sa kanila.Pero kung hindi talaga sila papayag ay wala akong magagawa sila ang mga magulang ko kaya alam nila ang tama para sa 'kin.
Nang isang gabi,pagkatapos lang namin na kumain nung pag hapunan ay kina usap ako nina Papa at Mama
"Kung 'yan talaga gusto mo 'nak? Pumapayag na kami pero mangako ka na mag iingat ka 'dun at aalagaan mo ang iyong sarili. Tutal malaki ka na alam mo na ang tama o mali at may tiwala kami sa'yo.mahabang sabi sa 'kin ni Papa, yehey tatalon na sana ako sa tuwa ng magsalita si Mama.
"Baka naman hindi trabaho ang aatupagin mo 'dun, baka puro paghahanap lang ng "boylet" o ano ba 'yung tawag mo? ah PRINCE CHARMING mo." pang-aasar ng nanay ko,kilalang kilala talaga ako ni Mother nu?
"Panira ka ng moment 'Ma e nu? at pa'nu ka naman makaka sigurado na makakahanap ako ng "boylet" dun e kasambahay lang naman ang aking papasukan in another word nasa bahay lang po ako okey? Pero 'lam mo 'Ma binigyan mo po ako ng isang rason para pumunta sa Maynila. Yehey makikita ko na si "PRINCE CHARMING" mapang-asar na sagot ko naman kay Mama, ganyan talaga kami ni Mama kung mag-usap puro asaran.
"So, 'Ma 'Pa? payag na po kayo? tanong ko ulit sa kanila e gusto ko lang namang makasigurado mahirap na nu ang mag-assume..
" Hindi!
kaya tara na at simulan na natin mag empake kasi bukas na pala ang iyong alis..
para maghanap na ng "boylet" sa may bayan." sabi ni Mama kaya lalo kung hindi maintindihan e panira talaga ng moment si mother.
"tumigil ka nga 'Ma, kung ano ano na naman ang tinuturo mo sa iyong anak e aalis na 'yan bukas. sita ni Papa kay Mama ang kulit kasi ni Mama e.
"Sige na 'nak tulungan mo na si Mama mo na mag empake kasi bukas na ang iyong alis , kina-usap ko kasi kanina 'yung tatay ng kaibigan mo na tumulong sayo para makapasok sa trabaho na 'yun.
Pero 'nak tandaan mo a? pag inaapi ka 'dun umalis ka na agad o 'di kaya kalabanin mo. Hindi 'ata naga patalo ang aking prinsesa sa kahit kanino.paalala ni Papa sa 'kin, ay itong mga magulang ko talaga nu?
puno ng kabaliwan at ka emohan sa buhay kaya nga ako ganito nababaliw sa kaemohan sa kakaisip ng PRINCE CHARMING ko. Echos..
<<End of Flashback>>
"Miss, mag tataxi ka ba?" tanong sa 'kin ulit nung mama na nag pabalik sa akin sa kasalukuyan.
"Ah, Opo pwede nyo po ba akong ihatid sa address na'to?" tanong ko sa kanya, base sa kanyang itsura ay mukhang mabait naman at mapagkakatiwalaan.
"Ah, oo sige nasa'n ba ang 'yong mga bagahe? Upang maka alis na tayo." tanong niya ulit sa 'kin. Tinuro ko ang aking mga dala at tinulungan siyang ayusin ang aking mga bagahe na ilagay sa likod ng sasakyan.
Pagpasok ko sa loob ay tinextxan ko na 'yung magiging amo ko at mga magulang ko na andito na 'ko sa Maynila. Bago ko pinikit ang aking mga mata ay nag dasal muna ako na sana walang masamang balak sa 'kin si mamang driver at sana 'wag mangyari 'yung napapanood ko sa tv na nanghoholdap.Dala siguro ng pagod sa byahe ay na kaidlip ako..
dyan lang kayo readers ah matutulog muna si PRINSESA..
-------------------------------------
Ms. J: thanks for reading! :-) sana patuloy nyo pa ring basahin ang story ko.....
BINABASA MO ANG
"MY PRINCE CHARMING"
Ficção AdolescenteOh My Prince Charming!!! BTW, i'm Jane Bhel Lopez, isang probensyana na hanggang ngayon ay naniniwala pa sa mga Ideal Prince Charming. Tara at samahan nyo ako na hanapin siya. Pa'no kung sa paghahanap ko sa kanya ay marami pa akong matuklasan tungk...